PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Willie Revillame, tuloy pa rin sa pag-host ng Wil To Win?

Willie Revillame, pormal nang nagsumite ng Certificate of Candidacy.
by Jojo Gabinete
Published Oct 8, 2024
willie revillame submits coc
TV host Willie Revillame formally files Certificate of Candidacy (CoC) for senator for the 2025 elections. Revillame is running as an independent candidate.
PHOTO/S: Wil To Win YouTube

Pormal nang naghain ng Certificate of Candidacy (CoC) si Willie Revillame bago matapos ang deadline na alas-singko ng hapon ngayong Martes, Oktubre 8, 2024.

Nagpunta siya sa Manila Hotel na ginawang satellite office ng Commission on Elections (Comelec) para sa filing of candidacies mula Oktubre 1 - Oktubre 8, 2024.

Tatakbo si Willie sa pagka-senador sa 2025 elections.

Walang partidong kinaaaniban si Willie, kaya siya ay tatakbong independent candidate.

Read: Willie Revillame confirms running for senator in 2025 elections

Mabilis na kumalat ang balita tungkol sa desisyon ni Willie na kumandidato kaya inabangan ng media ang pagdating niya sa Manila Hotel tent.

Noong Hunyo 2021, kinumbinsi umano si Willie ni dating Pangulo Rodrigo Duterte para tumakbong senador sa halalan ng Mayo 2022, pero tumanggi ang kilalang TV host.

“Hindi pa ako handa noon,” paliwanag ni Willie sa Cabinet Files sa pagtanggi niya sa alok ni Duterte.

Pero ngayon, handa na umano siyang harapin ang hamon ng mundo ng pulitika at ang papasuking bagong yugto ng kanyang buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Willie Revillame, hinihikayat ni Pangulong Duterte tumakbo sa 2022

WHAT WILL HAPPEN TO WIL TO WIN?

Sa question-and-answer portion matapos siyang magsumite ng CoC, hiniling ni Willie sa media na tanungin siya sa wikang Pilipino para higit umanong maintindihan ng lahat ang sasabihin niya.

willie revillame manila hotel presscon
Willie Revillame during the question-and-answer portion after he filed his candidacy for senator.
Photo/s: Wil To Win YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tinanong siya sa mangyayari sa game show niyang Wil To Win dahil sa paghahain nito ng kandidatura sa pagkasenador.

Sagot ni Willie: “Sa pagkakaalam ko sa rules ng Comelec, until February 10, 2025, puwede pa akong mag-live show.

"So, I still have five months na makakapag-live ng 5:00 p.m. to 6:30 p.m. sa TV5.

“So, puwede pa ho akong magtrabaho, pero pagdating ng February 11, mag-stop na, and that will start the campaign.

“Kapag nanalo, kapag palarin at pagkalooban ng Panginoong Diyos na ako ay makapaglingkod nang tapat at walang halong pag-iisip ng masama sa aking mga kasama, ako ay babalik, like kay Senator Tito Sotto na may Eat Bulaga! pa rin.”

Kagaya ni Willie ay tatakbo ring senador si Vicente "Tito" Sotto III sa 2025 elections.

WHAT PROMPTED WILLIE TO RUN FOR SENATOR

Tinanong din si Willie kung ano ang nag-udyok sa kanyang tumakbong senador.

“Yung mga nakikita 'kong away. Awayan nang awayan, mga edukado," pagtukoy ng TV host sa mga senador na nag-aaway sa plenaryo.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Cayetano at Zubiri, nag-apologize matapos magkainitan sa Senado

Pagpapatuloy ni Willie, "E, ang tingin nila sa mga artista, masyadong mababa.

"Aba, kami’y may mga magagandang puso para sa ating mga kababayan.

“Ano ba ang purpose ng isang senador? Hindi ako abogado. Hindi ako nakatapos.

"Pero ang purpose dapat ng bawat senador, bawat nagpa-public servant, bawat namumuno sa anumang local government, mabuting puso ang meron ka.

“Ang dapat mong iniisip lagi, yung mga kababayan mo.

"Marami nang batas na ginawa, marami nang mga presidente ang dumaan, maraming senador na ang dumaan, pero yung buhay ng mga kababayan nating mahihirap, nagbabago ba?”

Related Stories:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
TV host Willie Revillame formally files Certificate of Candidacy (CoC) for senator for the 2025 elections. Revillame is running as an independent candidate.
PHOTO/S: Wil To Win YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results