Mula sa matagal na paninilbihan bilang barangay chairman ng Longos, Malabon City, handang-handa na si Angelika dela Cruz na maglingkod na vice-mayor ng kinalakihang lungsod.
Inihain ni Angelika ang kanyang certificate of candidacy ngayong Lunes, Oktubre 7, 2024, na kumpirmasyon ng pagtakbo niya bilang vice-mayor ng Malabon City sa midterm elections sa Mayo 2025.
Read: Angelika dela Cruz to foul-mouthed critics: "Eto yung taong binigyan mo na, mumurahin ka pa."
“Serbisyong Buong Puso” ang pangalan ng partido at pangako ni Angelika sa mamamayan ng Malabon City kapag pinalad siyang manalo sa halalan sa susunod na taon.
Sa kanyang pagsusumite ng COC ay sinorpresa si Angelika ng kanyang nakababatang kapatid na si Mika dela Cruz at ng mister nitong si Nash Aguas.
BOBET VIDANES FROM COUNCILOR TO VICE-MAYOR
Tulad ni Angelika, ang mahalal na vice-mayor ng Pililla, Rizal ang hangarin ni former It’s Showtime director at incumbent Pililla councilor Norbert "Bobet" Vidanes.
Si Vidanes ang kasulukuyang acting vice-mayor ng Pililla dahil siya ang nanguna sa botohan ng mga konsehal sa kanyang kandidatura noong Mayo 2022.
Itinalagang acting vice-mayor si Vidanes mula pa noong July 2024 dahil sinuspinde ng Ombudsman si Pililla mayor Dan Masinsin.
Para sa kanyang vice-mayoralty bid, “Tao naman, Tayo naman! “ ang campaign slogan ni Vidanes, na estranged husband ni ABS-CBN chief operating officer Cory Vidanes.
Read: Bobet Vidanes no ill will with It's Showtime hosts: "Wala naman akong kaaway na artists."
ANJO YLLANA FOR CALAMBA VICE-MAYOR
Inaasahan namang maghahain ng kandidatura sa Martes, Oktubre 8, 2024, ang aktor na si Anjo Yllana na tatakbong bise-alkalde ng Calamba City, Laguna.
Matagal nang naninirahan si Anjo sa Calamba City, at ang dating mayor nitong si Timmy Chipeco ang magiging running-mate niya sa eleksyon sa Mayo 2025.