Sa edad na 50, muling susubukan ni Marjorie Barretto na pumasok sa politika matapos maghain ng kandidatura bilang konsehal ng Coocan City para sa halalan sa Mayo 2025.
Thirty-three years old si Marjorie nang unang mahalal bilang konsehal ng ikalawang distrito ng Caloocan City noong 2007. Tumagal ang paglilingkod niya hanggang 2013.
Labing-isang taon na ang nakalilipas buhat nang manungkulang konsehal si Marjorie. Maliliit pa noon ang mga anak niyang malalaki na ngayon kaya madali na para sa kanya na balikan ang serbisyo publiko.
Read: Marjorie Barretto proud of Julia Barretto's wisdom, maturity
Sa pamamagitan ng isang social media post, isiniwalat ng ina ni Julia Barreto na matagal niyang pinag-isipan at ipinagdasal ang desisyong muling kumandidato.
Mensahe niya: “These past few months has been quite a journey… the thought of going back to public service after more than ten years has been challenging, terrifying and exciting.
“Grateful to Mayor Along Malapitan and Congressman Oca Malapitan for their trust and confidence in me. I have gained a renewed sense of purpose.”
View this post on Instagram
JHONG HILARIO'S FATHER ALSO RETURNS TO POLITICS
Hindi lamang si Marjorie ang nagpakita ng intensiyong balikan ang public service.
Muling kakandidatong konsehal ng unang distrito ng Makati City si Virgilio Hilario Sr., ang ama ng It’s Showtime host, actor, at dancer na si Jhong Hilario.
Ang tatay ni Jhong ang tinagurian ng kanyang anak bilang “Original Sample King.”
Nagsilbi siyang konsehal ng kanilang distrito mula 2007 hanggang 2016.
Si Jhong ang humalili sa kanyang ama na konsehal ng distrito nila mula pa noong 2016.
Sa pagtatapos ng tatlong termino ng paglilingkod ni Jhong, susubukan ng tatay niya na balikan ang posisyon na dating pinanghahawakan.
Read: Jhong Hilario completes master's degree with "highest merits"
ERWIN TULFO FOR SENATOR
Gaya ng kanyang kapatid na si Ben Tulfo, kakandidatong senador ang former broadcast journalist at ACT-CIS Party-list Representative Erwin Tulfo.
Naghain ng certificate of candidacy si Erwin noong Linggo, Oktubre 6, 2024.
Kung papalaring manalo sina Erwin at Ben, tatlo na silang Tulfo sa senado dahil susundan nila ang yapak ng kanilang kapatid na si Senator Raffy Tulfo.
Read: Wendell Ramos at Ben Tulfo, naghain ng certificate of candidacy