PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sam Verzosa, pormal nang naghain ng kandidatura para Manila mayor

Ina ni Sam Verzosa, hindi napigilan ang anak sa pagpasok sa politika.
by Jojo Gabinete
Published Oct 7, 2024
sam verzosa mother coc
Tutok To Win party-list representative, businessman, and TV host Sam Verzosa formally files his certificate of candidacy for the 2025 elections. He filed his COC with his mother Nina Verzosa at SM Manila on October 6, 2024. Sam will run for Manila mayor.
PHOTO/S: Jojo Gabinete

Pormal nang naghain ng kanyang kandidatura bilang alkalde ng Maynila para sa halalan sa Mayo 2025 si Tutok To Win party-list representative at Dear SV host Sam Verzosa.

Naghain siya ng certificate of candidacy sa SM Manila nitong Linggo ng hapon, Oktubre 6, 2024.

Dinagsa ng libu-libong mga tagasuporta ni Sam ang mall kaya pinahinto sa pag-andar ang mga escalator para maiwasan ang sakuna.

Bago naghain ng certificate of candidacy si Sam, nagsimba muna siya sa Quiapo church. Mula rito, dumiretso siya sa SM Manila para salubungin ang kanyang naghihintay na ina na si Mrs. Niña Verzosa na kararating lamang mula sa Japan.

Read: Sam Verzosa, kumpirmadong tatakbo bilang Manila mayor

SAM VERZOSA'S MOTHER ON SON ENTERING POLITICS

Sa panayam ng Cabinet Files kay Mrs. Verzosa, ikinuwento nitong napilitan siyang putulin ang kanyang pagbabakasyon sa Japan para umuwi ng Pilipinas at masamahan ang anak sa pagsusumite ng kandidatura.

Inamin ni Mrs. Verzosa na tutol siya sa pagpasok ni Sam sa mundo na politika, pero hindi niya napigilan ang kanyang panganay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
sam verzosa mother
Sam Verzosa (right) files certiifcate of candidacy with his mother Niña Verzosa.
Photo/s: Jojo Gabinete

Ibinahagi rin Mrs. Verzosa na noong maliit na bata pa si Sam ay sinabi nitong magiging congressman ito kaya hindi siya makapaniwalang magkakatotoo ang pahayag ng anak niya.

Si Sam ay kasalukuyang representative ng Tutok To Win party-list.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ibinida pa ni Mrs. Verzosa na mabait umanong anak si Sam, mapagmahal na kapatid, likas na matulungin sa kapwa, at hindi nagbibigay ng problema.

Pero napagalitan daw niya ito nang umanib sa isang fraternity nang mag-aral noon sa University of the Philippines.

Read: Sam Verzosa, hindi itinanggi ang magarbong pamumuhay

SAM VERZOSA'S DECLARATION

Matapos maghain ng kandidatura, tumuloy si Sam sa Bonifacio Shrine sa tabi ng Manila City Hall.

Dito ay umalingawngaw ang kanyang malakas na boses at pahayag: “Pormal ko na pong tinatanggap ang hamon laban sa korapsyon. Ngayong araw, pormal na po tayong kandidato bilang mayor ng Maynila!

“Sa harap ng dambana ni Gat Andres Bonifacio, sisimulan natin ang rebolusyon, ang rebolusyon ng pagbabago!

“Ilalaban namin kayo hanggang dulo! Wala nang magugutom! Wala nang matutulog sa kalye!

"Wala nang mapapabayaan na mga senior citizen! Magdadala tayo ng trabaho at kabuhayan sa mga mahihirap!”'

sam verzosa 2025 elections
Photo/s: Jojo Gabinete
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Umulan ng orange confetti sa Bonifacio Shrine.

Lumikha ng mabagal na pagdaloy ng mga sasakyan ang mga taong nagtipun-tipon, may hawak na placards na may nakasulat na “SV, Oppa ng Maynila” at paulit-ulit na sumisigaw ng “ SV naman!”

Mahaba rin ang pila sa mga food stall na nagbibigay ng mga libreng siomai at tubig mula kay Sam.

sam verzosa siomai
Photo/s: Jojo Gabinete
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mula sa Bonifacio Shrine, nagpunta si Sam at ang kanyang mga tagasuporta sa Liwasang Bonifacio para sa free concert na alay niya sa publiko. Tinampukan ito nina Maui Taylor, Katya Santos, Heaven Peralejo, at Andrew E.

Inaasahang mahigpit na makakalaban ni Sam bilang mayor ng Maynila sa 2025 elections ang incumbent Manila mayor na si Honey Lacuña at si dating Manila mayor Isko Moreno.

Read: Sam Verzosa, mamahaling de-lata ang ipinamimigay sa mahihirap

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tutok To Win party-list representative, businessman, and TV host Sam Verzosa formally files his certificate of candidacy for the 2025 elections. He filed his COC with his mother Nina Verzosa at SM Manila on October 6, 2024. Sam will run for Manila mayor.
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results