Sa Martes, Oktubre 8, 2024, ang huling araw ng paghahain ng mga kandidatura ng mga nagnanais kumandidato sa iba’t ibang posisyon sa gobyerno para sa May 2025 elections.
Kahit wala sa plano ni Willie Revillame na pumasok sa pulitika, may mga patuloy raw nanunuyo sa kanya para tumakbong senador, lalupa’t hindi nawawala ang pangalan niya sa mga senatorial survey.
Read: Willie Revillame, nagsagawa ng telethon para sa typhoon victims
WILLIE STILL HAS TIME TO BEAT DEADLINE FOR FILING OF CANDIDACY
Isiniwalat ni Willie na may matataas na taong tumatawag sa kanya, kinakausap at hinihimok siyang kumandidato bilang senador dahil hanggang sa Martes pa ang pagsusumite ng certificate of candidacy.
Pero walang binitiwang commitment ang host ng Wil to Wil.
Sabi ni Willie: "Sa senado, sa congress, puro away ang nakikita natin.
"Sabi nila, ‘Ikaw ang magiging boses.’
"Sabi ko, nag-aaway sa senado, almost nagsusuntukan na. Ibinoto ng ilang milyong Pilipino, mga edukado ito ha?
“Nagmamatigasan sa congress, ilang araw nang pinag-uusapan ang isang tao lang, pero kumusta ba yung tiyan ng mga mahihirap?
“Nag-iisip ako, e. Kung makikipag-away ako sa senado at sa congress, makikipag-away ako para sa mahihirap.
“Hindi ako makikipag-away para sa sarili ko. Hindi ko na kailangan ng power.
"Hindi ko na kailangan ng pera kasi hindi ko naman madadala sa libingan ang lahat ng yan.
"Okay naman yung mga anak ko, may mga bahay na sila.”
Read: Cayetano at Zubiri, nag-apologize matapos magkainitan sa Senado
ACTOR ALSO BEING WOOED TO RUN
Hindi lamang si Willie ang kinukumbinsing pumasok sa pulitika dahil may alok din sa isang aktor para kumandidato sa bayan sa isang lalawigan na kanyang tinitirhan.
Nang makausap ng Cabinet Files ang aktor ngayong Sabado ng gabi, Oktubre 5, sinabi niyang magdedesisyon siya sa Lunes, Oktubre 7, tungkol sa muling pagsabak sa politika.
Pinag-aaralan niyang mabuti kung bise-alkalde o konsehal ang kanyang pipiliing posisyon.
Read: Vilma Santos, sons Luis Manzano and Ryan Christian Recto file certificates of candidacy in Batangas
JEREMY MARQUEZ
Ngayong Sabado, hindi lamang ang mga re-electionist na sina Pasig City mayor Vico Sotto at vice-mayor Dodot Jaworski ang muling kakandidato sa Mayo 2025 para sa kanilang mga pinanghahawakang posisyon.
Read: Vico Sotto, Michael Pacquiao file COC for 2025 elections
Naghain din ng kandidatura ang former S-Files segment host na si Jeremy Marquez bilang first nominee ng Solo Parents party-list.
“Sa 4.1 million na solo parents sa ating bansa, hindi ka na nag-iisa,” sabi ni Jeremy nang magsumite siya ng kandidatura.