Tatlong kababaihang pawang may mga dugong Pilipino ang dapat abangan sa Miss Universe 2024 dahil kumpirmado na ang kanilang mga partisipasyon.
Magkakaroon ng round two ang unang sagupaan nina Chelsea Manalo, Christina Chalk, at Victoria Velasquez Vincent sa Miss Universe Philippines 2024 noong Mayo 2025.
Magkakaroon sila ng reunion at muling maglalaban-laban sa 73rd Miss Universe na idaraos sa Nobyembre 16, 2024 sa Mexico City, Mexico.
Si Chelsea, na kinatawan ng lalawigan ng Bulacan, ang nagwaging Miss Universe Philippines 2024 kaya siya ang opisyal na kandidata ng Pilipinas sa Miss Universe 2024.
Read: Chelsea Manalo wins Miss Universe Philippines 2024

LIFE AFTER MISS UNIVERSE PHILIPPINES
Hindi man pinalad sina Christina at Victoria na mabigyan ng puwesto sa Miss Universe Philippines 2024, lalaban pa rin sila sa Miss Universe 2024 dahil sila ang napiling kinatawan ng bansang kanilang pinagmulan sa nabanggit na pretigious beauty pageant.
Si Victoria ang official representative ng New Zealand, samantalang si Christina ang ilalaban ng Great Britain sa 73rd Miss Universe.
Read: Filipina-Kiwi Victoria Velasquez Vincent wins Miss Universe New Zealand 2024
Parehong beterana sina Victoria at Christina sa paglahok sa mga beauty pageant.
Dalawang beses sinubukan ni Victoria ang kapalaran nito sa Miss Universe Philippines noong 2021 at 2024.

Gumawa ng kasaysayan si Christina sa Miss Universe Great Britain dahil apat na beses siyang lumahok (2016,2019, 2021, at 2024).
Thirty-one years old na si Christina at sa kanyang ika-apat na beses na pagsali sa Miss Universe Great Britain, saka pa lamang niya nakamit ang koronang pinakamimithi.
Bago sumali si Christina sa Miss Universe Great Britain 2024, kandidata siya sa Miss Universe Philippines 2024 noong Mayo 2024 pero naging mailap sa kanya ang suwerte.
