Opisyal na kandidata sa 1st Miss Philippines Great Britain ang 18-year-old Filipino-British TikToker na si Myca Winmill.
Dumayo siya sa Pilipinas para mag-ensayo sa Aces and Queens, ang beauty camp na nagtuturo sa mga kababaihang nangangarap maging beauty queen.
“The training in the Philippines is much better compared to London because they have more love in pageantry that’s why I prefer here,” pahayag ni Myca sa panayam sa kanya ng Cabinet Files tungkol sa desisyon niyang mag-training sa Aces and Queens.
Mental health ang adbokasiya ni Myca.
Magaling siya sa animation at ito ang ginagamit niya—sa pamamagitan ng kanyang TikTok account na dalawang milyon ang bilang ng mga tagasubaybay at may 94 million likes—para makatulong sa kapwa.
Read: Ahtisa Manalo sprains ankle after Miss Cosmo "technical incident"
THE BEAUTY PAGEANT INDUSTRY
Hindi lamang si Myca ang umuwi sa Pilipinas para sa training niya sa Aces and Queens.
Naririto rin sa bansa si Jay Alexander Tseng, ang founder ng Miss Philippines Great Britain Organization.
Ipinakilala ni Jay ang sarili bilang producer ng mga concert, barrio fiesta, at charity events para sa Filipino community sa United Kingdom.
Ngayon pa lamang niya susubukan ang beauty-pageant business.
Ipinaliwanag ni Jay ang kaibahan ng Miss Philippines Great Britain sa ilan sa mga organisasyon at events company sa United Kingdom.
Read: Franki Russell's Kiwi Angel national costume for Miss Cosmo 2024
Saad niya, “There’s loads of Filipino community pageants in UK but they’re more on charities and money-making.
"With ours kasi, we wanted to find someone that we can introduce sa entertainment and pageantry."
Malaking hamon din daw ang pagtatatag niya ng sariling beauty pageant organization.
"It’s very, very challenging, a lot of time, effort, hardwork, and money.
“We’re planning in the future na every city sa UK will have their own candidates and each winner will compete for Miss Philippines Great Britain and Miss Philippines Youth."
Ang grand coronation ng 1st Miss Philippines Great Britain ay kasabay ng Miss Universe 2024 na gaganapin sa Mexico sa November 16, 2024. Pero magkaiba naman daw ng timeline.
May siyam na opisyal na Filipino-British candidates ang 1st Miss Philippines Great Britain.
“The winner will have a contract with MPGB and she will compete in July 2025 sa Miss Universe Great Britain.
“She will receive a cash prize, weekend stay in Europe, and a lot more,” karagdagang impormasyon na ibinahagi ni Jay.
Read: Ahtisa Manalo as "Dyesebel" in Miss Cosmo 2024 NatCos Show