Hindi lamang ang pag-arte sa pelikula at telebisyon ang pinagkakaabalahan ng aktres na si Louise delos Reyes.
May regular job siya bilang head pastry chef ng Viva International Food and Restaurant Inc., ang food company na nagmamay-ari sa Papermoon, Greyhound Cafe, Wingzone, Pepi Cubano, at Botejyu.
Read: Louise delos Reyes apektado sa nangyari sa kanyang showbiz career
May sapat na kaalaman si Louise bilang pastry chef dahil tatlong taon siyang nag- aral sa TESDA at sa Academy of Pastry and Culinary Arts Philippines.
Alam daw niyang hindi panghabampanahon na propesyon ang pag-aartista.
Bilang head pastry chef ng Viva International Food, mula Lunes hanggang Sabado, 7 A.M. to 4 P.M., ang office days at working hours ni Louise.
“Nag-apply ako kay Boss Vic [del Rosario, Viva International Food CEO] at Miss Josa [Joanne Santos] as pastry chef.
"Matagal ang presentation ko sa kanila,” kuwento ni Louise.
Nagdaan daw siya sa wastong proseso bago natanggap sa posisyong kanyang inaplayan.

REGULAR EMPLOYEE
Kung may mga pelikulang ginagawa at TV guesting si Louise para sa kanyang home studio, naghahain siya ng official leave tulad ng mga pangkaraniwang empleyado.
Noong Martes, Oktubre 1, 2024, nag-file si Louise ng official leave sa pinaglilingkurang kompanya dahil panauhin siya, kasama si Bea Binene, sa Fast Talk with Boy Abunda.
Co-stars sina Louise at Bea sa Pasahero, ang horror movie ng Viva Films na opisyal na kalahok sa Sine Sindak, ang horror film festival na itinataguyod ng SM Cinema.
“Hindi ko inaabuso, baka mawalan ako ng suweldo!” natatawang sabi ni Louise sa Cabinet Files nang ikuwento niyang may permiso ng mga boss niya sa Viva Food ang guesting nila ni Bea sa afternoon showbiz talk show ni Boy.
Read: Louise delos Reyes at Bea Binene may panawagan sa mga Pinoy