PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

John Amores, sumuko matapos makatanggap umano ng mga pagbabanta

Isang eyewitness, inilahad ang mga pangyayari sa Cabinet Files.
by Jojo Gabinete
Published Sep 26, 2024
john amores cctv footage
Northport shooting guard John Amores is currently detained at Lumban Municipal Police Station in Laguna after surrendering to the police. The PBA player is facing an attempted murder complaint.
PHOTO/S: Jerome Ascano for SPIN.ph / X

Sumuko na ang PBA player na si John Anthony Amores sa Lumban Police, Lumban, Laguna, bandang 1:55 ng madaling-araw nitong Huwebes, Setyembre 26, 2024.

Inakusahan ng pamamaril ang NorthPort Batang Pier shooting guard sa nakaalitan nitong si Lee Cacalda, na residente ng Barangay Maytalang Uno, Lumban, Laguna.

Attempted murder ang kasong isinampa laban kay Amores.

Read: PBA player John Amores involved in shooting incident in Laguna

Si Amores ay residente ng Barangay Sampaloc, Pagsanjan, Laguna.

Dumayo lamang sila ng kanyang kapatid na si John Red Amores sa Lumban para maglaro ng basketball sa Barangay Salac.

Humantong sa pamamaril ang girian at pagtatalo sa pagitan nina Amores at Cacalda noong Setyembre 25, 5:30 ng hapon, habang naglalaro sila ng basketball na may pustahanh PHP2,000.

EYEWITNESS ACCOUNT

Kaugnay nito, isang saksi sa pangyayari ang nagbahagi sa Cabinet Files ng kanyang nasaksihan.

Lahad niya: “Actually, hindi talaga si John ang nakainitan, hindi rin si Lee.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ang kapatid ni John ang nadali ng kalaro nito sa basketball na ka-team ni Lee.

“Si Lee, hindi siya ang involved, pero siya ang nagtanggol sa teammate niya. Si John tuloy ang nakatalunan ni Lee.

“Naghubad si Lee ng jersey, ibinato niya kay John.

"Nagalit daw si Lee dahil sa harap ng asawa niya, binantaan siya ni John ng ‘May araw ka rin.”

Read: John Amores expelled from Jose Rizal University men's basketball team

Tumutugma ang kuwento ng saksi sa kumakalat na video na nagpapakita kay Lee na nakahubad, at nakasakay naman si John sa motorsiklong pinaaandar ng kanyang kapatid dahil paalis na sila sa basketball court.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagpapatuloy ng eyewitness: “Inawat sila, e, hot pareho. Umalis na si John, umangkas siya sa motorsiklo ng kapatid niya.

“Naunang umalis si John. Si Lee, nagmamadali, dumaan siya sa kabilang kalye para abangan sina John.

"Bumaba si John sa motorsiklo, nagpaputok ng baril.

"Si Lee, one week pa lang nakakarating sa Lumban dahil seaman siya, galing siya sa ibang bansa."

Mapalad na walang tinamaan si Amores sa ginawa nitong pamamaril na nakunan ng CCTV.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa kasalukuyan, nakakulong si Amores sa Lumban Municipal Police Station.

Diumano, minabuti ni John na boluntaryong sumuko dahil sa mga pagbabanta sa kanyang buhay na natatanggap niya.

Ang nakatatandang kapatid ni John na si James Amores, na barangay chairman ng Barangay Sabang, Pagsanjan, Laguna, ang personal na nagsadya sa Lumban Municipal Police Station para isuko ang kontrobersiyal na PBA player.

Sa kabilang banda, desidido ang pamilya ni Cacalda na sampahan ng reklamo si Amores dahil sa ginawa nitong pamamaril.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Northport shooting guard John Amores is currently detained at Lumban Municipal Police Station in Laguna after surrendering to the police. The PBA player is facing an attempted murder complaint.
PHOTO/S: Jerome Ascano for SPIN.ph / X
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results