Walang dapat ikabahala ang mga tagasuporta nina Senator Alan Peter Cayetano at Senator Miguel Zubiri.
Nagkasundo na sila at hindi humantong sa pisikal na pananakit sa isa’t isa ang kanilang girian na nangyari sa plenary session ng Senado noong Martes, Setyembre 24, 2024.
Read: Alice Guo, Apollo Quiboloy pinaglalaruan ang senado at ang batas?
“Cayetano in action” at “Si Miguel nanggigil” ang eksena sa pagitan ng dalawang senador na nagkainitan, nagsagutan, at naghamunan.

Nag-ugat ito dahil hindi nagustuhan ni Zubiri na isiningit ni Cayetano sa kanilang talakayan ang concurrent resolution na nananawagan sa mga residente ng Enlisted Men’s Barrio (EMBO) barangays sa Taguig City na gamitin ang karapatang bumoto para sa congressional representative nila sa halalan na magaganap sa Mayo 2025.
Si Cayetano ang may-akda ng concurrent resolution.
Ayon kay Zubiri, wala ito sa agenda nila kaya iginiit niyang pag-usapan na lamang ang isyu ngayong Miyerkules, Setyembre 25.
Read: Sen. Robin Padilla: "Wala ka sa mood. Paano ako, nasa mood?"
THE VIRAL VIDEO
Sa viral video nina Cayetano at Zubiri, mas mainit si Cayetano sa kanyang kapwa senador.
Maririnig na sabi ni Cayetano kay Zubiri: “Don’t give me sh*t din, pare! Kapag lugar mo, ilang beses ka nakiusap sa akin.
"Huwag mo akong sigawan! Ilang beses ka rin nakiusap, ah! Hanggang dun, ah, nag-abroad ka pa!
"Anong gusto mo, pu….ina, anong gusto mo? Pu…ina, sindak nang sindak dito, e.
“Bakit, sisigawan mo ako? Anong pakialam mo?
"Wala ka naman pakialam sa bumoto dun, e. Interes mo lang ang iniisip mo, e!
"Sabi ko sa yo, 'Pare, baka puwedeng makiusap. This is too important.'"
Read: Chiz Escudero, nag-react sa viral video nila ni Liza Marcos
Sumasagot si Zubiri sa mga sumbat sa kanya ni Cayetano, pero halos hindi siya makasingit sa sunud-sunod na buga ng maaanghang na salita ng kanyang kasagutan.
Pero maririnig sa video ang mga sinabi ni Zubiri: “Don’t give me that look. Anong sindak? Tahimik nga ako dito.
"Gusto mo ipapahiya mo ako ako. What is your problem?”
Maagap na umawat sa mga nagtatalakang senador sina Senator JV Ejercito at Senator Pia Cayetano.

CAYETANO AND ZUBIRI APOLOGIZE
Pero nang mahimasmasan, kapwa humingi ng paumanhin ang mga nagbangayang mambabatas.
Sabi ni Zubiri, na isang arnis champion, “It didn’t have to go that way and I apologize if I raised my voice.
"Ang akin diyan, if it will help you, maybe we can take it up tomorrow.
“Ang akin lang naman diyan is nabigla ako dahil nasa taas nga ako at biglang may concurrent resolution about these barangays, wala naman sa agenda today.”
Sabi naman ni Cayetano, “I apologize to everyone, including Senate President Miguel Zubiri.
"Technically, may excuse ako kasi I’m on steroids dahil hinihika ako ngayon, but it’s still no excuse so pasensya na kayo."
Read: Maricel Soriano attends Senate hearing on "PDEA leaks"