Nagulat at natuwa si Martin Nievera sa kanyang muling pagtuntong sa bakuran ng GMA Network dahil nagkita sila ni Anthony Reyes, ang dating make-up artist niya sa Penthouse Live! mula 1982 hanggang 1987.
Ang Penthouse Live! ang kauna-unahang regular TV show niya sa GMA-7 noong nag-uumpisa pa lamang ang kanyang entertainment career sa Pilipinas.
Read: Martin Nievera admits he was once a "diva king"
Tuwang-tuwa sina Martin at Anthony dahil sa kanilang pagtatagpo matapos ang matagal na panahon na hindi pagkikita.
Sinabi ni Anthony sa Cabinet Files na sinadya niyang magpunta sa studio ng Fast Talk With Boy Abunda nang malaman niya na si Martin ang guest ni Boy.
Ipo-promote ng mang-aawit ang 42nd anniversary concert nito sa Smart Araneta Coliseum sa Setyembre 27, 2024, ang The King 4Ever.
Sinamantala ni Anthony ang pagkakataon para makapagpakuha ng litrato kasama si Martin, na hinding-hindi siya nalilimutan.
“I just saw my very first ever make-up artist, Anthony. I remember him, his mother and his sister," sabi ni Martin tungkol sa surprise reunion nila ni Anthony.
Read: Martin Nievera gustong mag-iwan ng legacy sa industriya, mga anak
MARTIN NIEVERA RETURNS TO GMA COMPOUND
Tinanong ni Boy Abunda ang pakiramdam ni Martin sa pagbalik nito sa GMA-7 compound.
Pabirong sabi ng Concert King ng Pilipinas, “It was weird. First of all, no one met me. Having said that, walang red carpet.
"Having said that also... no, it was great. I knew the way but I didn’t recognize the building."

Hinding-hindi rin nalilimutan ni Martin na nag-umpisa sa GMA-7 ang lahat ng mga nangyari at nangyayari sa kanyang personal at propesyonal na buhay.
“All happened right here in GMA-7 when you didn’t have seventeen floors. Wala pang elevator.
“People used to watch Penthouse Live! through the feet of other people. That’s how low our studio was.
"And that’s when I met Pops [Fernandez, his ex-wife] and we did Penthouse Live! for about five years,” pagbabalik-tanaw ni Martin.
Aminado si Martin na guilty ito sa mga isyu ng pagpiyok sa concert, pinangarap na magkaroon ng acting award, nakipag-date sa mas bata sa kanya, may pinagsabay na girlfriends, nag-isip na sumailalim sa cosmetic surgery, at natatakot siyang tumanda.