PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Katrina Velarde, inalala ang yumaong asawang si Mike Shapiro

Katrina Velarde, inaming malaking impluwensiya sa kanya ang pumanaw na asawa.
by Jojo Gabinete
Published Sep 24, 2024
katrina velarde & mike shapiro
Katrina Velarde on late husband Mike Shapiro:
PHOTO/S: @vivaartistsagency on Instagram / File

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagkuwento ang singer na si Katrina Velarde tungkol sa pumanaw niyang asawa na si Mike Shapiro.

Pumanaw si Mike, sa edad na 57, noong Nobyembre 14, 2021.

Read: Katrina Velarde's husband Mike Shapiro passes away at 57; singer asks for privacy to mourn

Si Mike ay sikat na musician at drummer sa Amerika.

Pinili nitong manirahan sa Pilipinas nang magkaroon sila ng relasyon ni Katrina at nagpasyang magpakasal sa Tagaytay City, noong Mayo 2021.

Pero sandali lamang ang pagsasama ng dalawa bilang mag-asawa dahil makalipas ang anim na buwan, namatay si Mike sa kalunos-lunos na paraan.

Iginalang ng publiko ang pribadong pagluluksa ni Katrina na pinili noong mag-isa.

Read: Katrina Velarde ties the knot with American fiancé Mark Shapiro

Katrina Velarde and Mike Shapiro
Katrina Velarde and Mike Shapiro
Photo/s: Courtesy: @katrinavelarde24 on Instagram / Katrina Velarde on Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

KATRINA VELARDE'S HEALING PROCESS

Sa panayam ng Cabinet Files kay Katrina nitong Martes ng hapon, Setyembre 23, 2024, kinumusta namin ang kanyang kalagayan ngayon matapos ang mapanghamong bahagi ng buhay niya noong 2021.

Saad ng binansagang Suklay Diva: “It was of course challenging. Yun po ang isa sa mga naging madilim po na chapter ng life ko.

"Pero I need also to… yun po ang nagkaroon ako ng time na mag-isa po talaga. Without friends also, just with my son. And mahirap po yon.

“Actually, ang galing nga. Hindi ko alam kung paano ako natapos. After with what happened, parang kumanta rin agad ako.

“Naalaala ko concert pa ni Tyro. Online concert ni Tyro. Kumanta pa rin ako. Pero it was very hard po that time

"Pero ngayon, yung pag-create po ng music, doing contents, collaborating with other artists, producing my own music, really helped me po.

“Parang yun ang naging healing process ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

REMEMBERING MIKE SHAPIRO

Kinikilala nang husto ni Katrina ang malaking tulong at impluwensiya sa kanya ng namayapang asawa.

Lahad ng singer: “Malaki po ang influence niya sa akin kasi tinulungan po ako ni Mike. 'Shapi' ang tawag ko sa kanya kasi Shapiro kami.

"Matagal ko nang kilala si Shapi even before na naging kami. Nung mga time na para akong may mentor.

"Actually, nung tumira siya rito, na-amaze yung mga tao. Yung tipong gusto siyang maging friend.

"Maraming gusto talagang… sobrang natutuwa sila kasi grabe yung knowledge niya. Grabe talaga! Nagulat ako.

"Even ako na hindi ko naman alam mag-produce, e. Paano gumawa ng mga arrangement, paano magsabi sa ibang arranger na ganito ang gagawin. Sa kanya ko lang lahat natutunan.

“Even yung mga tao na may knowledge na, na-realize nila na meron pa pala kaming mga hindi alam. So, natulungan niya talaga ako nang malaki.

“Kapag may mga tour si Kevyn Lettau, siya ang nagpo-produce o siya ang drummer. It was a very good mentoring, na-train ako."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang jazz singer na si Kevyn Lettau ay ex-wife ni Mike.

Read: Mister ni Katrina Velarde ni Mike Shapiro, ex-husband ng jazz singer na si Kevyn Lettau

Pagpapatuloy ni Katrina tungkol sa namayapang asawa, “Sobrang workaholic ng tao na yon.

"Grabe, buong araw, pagkagaling ng studio, pag-uwi ng bahay, music pa rin. Hindi ko kaya yon. Parang nape-fed up ako, kapag ako.

“Now, I realized na ganito pala kapag sobrang dedicated ka sa ginagawa mo."

Nagkaroon ng oportunidad ang Cabinet Files na makapanayam si Katrina sa media conference ng SiKat v.3, ang kanyang concert na itatanghal sa Oktubre 11, 2024, sa New Frontier Theater, Araneta City, Cubao, Quezon City.

Kakaiba ang concert ni Katrina dahil mga kantang panglalaki ang mga aawitin niya.

Hindi na nabanggit ni Katrina kung bibigyang-pugay nito sa SiKat v.3 ang kanyang pumanaw na American husband dahil sa huling concert niya noong 2019, nagkaroon ng segment tungkol sa love story nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Katrina Velarde introduces new foreigner boyfriend more than a year after American husband's death

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Katrina Velarde on late husband Mike Shapiro:
PHOTO/S: @vivaartistsagency on Instagram / File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results