Iyak nang iyak si Sandro Muhlach noong Lunes ng gabi, Setyembre 23, 2024, dahil sa sorpresang natanggap niya — ang pag-uwi sa Pilipinas ng kanyang inang si Edith Millare.
Si Edith ay nagtatrabaho sa New York bilang nurse at walong taon nang naninirahan sa Amerika.
Noong Lunes din, Setyembre 23, ang ika-42 kaarawan ni Edith.
Umuwi siya sa Pilipinas para makapiling ang kanyang anak na may pagsubok na pinagdaraanan.
Inireklamo ni Sandro ang GMA-7 independent contractors na sina Jojo Nones at Richard "Dode" Cruz ng rape at acts of lasciviousness.
Read: Sandro Muhlach naghain ng reklamong rape, acts of lasciviousness
EDITH MILLARE SURPRISES SON SANDRO MUHLACH
Nangyari ang panggugulat ni Edith kay Sandro sa isang coffee shop sa Quezon City bandang 11:30 p.m. noong Lunes.
Nabigla si Sandro dahil sa mga kamay na tumakip sa mga mata niya.
Hindi makapaniwala at nanlaki ang mga mata ni Sandro nang makita nito si Edith dahil hindi niya inaasahan na uuwi ng bansa ang kanyang ina.
“Tumatawag po ako sa kanya kasi gusto ko po siya i-greet ng happy birthday kahit nasa Amerika si Mama. Yun pala, nandito siya sa Pilipinas,” kuwento ni Sandro nang makausap siya ng Cabinet Files ngayong Martes ng umaga, Setyembre 24.
“Hindi ko po alam na uuwi si Mama sa Philippines dahil ang sabi niya sa akin, pupunta siya sa Las Vegas, kaya nagulat dahil nasa harap ko na po siya.
“Babalik din po siya agad sa New York because of her work as a nurse."
Dagdag pa niya, “Naiyak po ako nang sobra kasi she meant a lot to me. Lalo na po na I really need my mom right now because I can't fight this battle alone.
“Siya yung reason bakit ako lumalaban.
"Sobrang selfless ng mama ko na mas gusto niyang i-celebrate ang birthday niya with me kahit malayo ako. I'm forever grateful.
"Mahal na mahal kita mama, sobra."
Hindi raw nakabili ng birthday gift dahil sorpresa nga ang pag-uwi sa Pilipinas ng kanyang ina.
Lahad ni Sandro, “Hindi po ako nakapag-ready na bumili ng birthday gift dahil hindi ko naman alam na sosorpresahin niya ako.
“So, ako na lang po ang nagbayad ng bill namin, kahit ayaw po ni Mama.”
Read: Niño Muhlach gets emotional at Senate hearing on son's ordeal
SANDRO'S MESSAGE TO HIS MOTHER
Ibinahagi ni Sandro sa social media ang video ng sorpresang pagkikita nila ng kanyang ina.
Pinapurihan ni Sandro ang ina sa pamamagitan ng isang mensaheng punumpuno ng pagmamahal.
Ani Sandro (published as is): “Mama you are the strongest woman I know, and I am so lucky to have you as my mom.
"Your love and kindness mean more to me than you know. Thank you for being there for me during one of the hardest times in my life.
“Your love, care, and presence meant more to me than I can ever fully express. When I felt overwhelmed by my trauma, you were a constant source of strength and comfort.
“I’m still finding my way, but I feel stronger knowing that I have you by my side. I hope you know how much I appreciate everything you’ve done not just during this time, but always.
“Thank you for surprising me even its your birthday. Your the best mom I could ever ask for.
"I love you more than words can express. Happy Birthday Mama!"
Read: Muhlach family declares war amid controversial issue