Ang mabigat na paratang na sexual harassment laban sa veteran songwriter at musical director na si Danny Tan ang isa sa mga itinanong kay Jeffrey Hidalgo sa media conference ng Salsa ni L dahil parehong mga miyembro sila ng Philippine music industry.


Read:
- Gerald Santos, pinangalanan na ang humalay umano sa kanya
- Enzo Almario, umaming biktima ng rape sa edad na 12
JEFFREY, NA-SHOCK SA BALITA TUNGKOL KAY DANNY TAN
“Medyo na-shock ako pero nung nalaman ko nga na may ganoong kuwento,” ang reaksyon ni Jeffrey na mabait na tao ang pagkakakilala kay Tan na nananatiling tahimik tungkol sa kontrobersya.
“As a person naman, when I get to interact with him, mabait pero I guess may other side but siyempre, we have to also try to give him the benefit of the doubt and hear his side of the story at the same time.
“Pero yun nga, it’s just unfortunate that this happened. It’s nice naman to talk about this. Kumbaga, at least maging cautionary din siya for the other up and coming artists,” ang pahayag ni Jeffrey na gaya nina Almario at Santos, bata pa nang mag-umpisa ang singing career pero nagpapasalamat siya dahil hindi niya naranasan na maging biktima ng karahasan o pang-aabuso.
JEFFREY, THANKFUL NA HINDI NAKARANAS NG SEXUAL HARASSMENT NUNG KANYANG KABATAAN
“May nagme-message ganyan but hindi umabot sa point na I was put in a situation na ganoon. So thankfully, hindi.
“Ang feeling ko rin, may part of it also, I think ‘yung background ko, so parang medyo nai-intimidate siguro yung ibang tao.
“Ang mentor namin, Ryan Cayabyab.I guess I am thankful for that, hindi ako na-subject sa gaanong klase, basta hindi ako na-victim.”
Ang batikang composer, arranger, musical director at National Artist for Music na si Ryan Cayabyab ang naging mentor ni Jeffrey at ng iba pa niyang mga kababata sa kanilang pop group na Smokey Mountain na sumikat noong early '90s.
Nang tanungin tungkol sa kanyang opinyon sa kaso na ipinaglalaban nina Almario at Santos, “I hope they get justice, di ba?” ang sagot ni Jeffrey na naniniwala na kailangan ng magkabilang-panig na magkausap para malutas ang problema.
“Kasi for me at the end of the day, mas maganda na maayos nila in a civil manner.Huwag nang palakihin. That’s how I see things.I wanna keep the peace as much as possible,” ang opinyon ni Jeffrey na mayaman na negosyante ang karakter na ginagampanan sa Salsa ni L, ang huling pelikula ni Christine Bermas bilang sexy star na mapapanood sa Vivamax simula sa Oktubre 1, 2024.