Nararamdaman na sa Metro Manila ang eleksyong magaganap sa Mayo 12, 2025.
Ito ay dahil sa maagang pagpapakilala ng mga nagbabalak kumandidato para sa iba’t bang posisyon, kahit sa Oktubre 1 hanggang Oktubre 8, 2024 pa ang opisyal na paghahain ng kandidatura.
Read: Pre-campaign posters sa Laguna, naglipana na
VICE-MAYOR YUL SERVO'S SISTER JOINS ISKO MORENO'S PARTY
Kakandidato para sa congressional seat ng District 3 ng Maynila si incumbent councilor Apple Nieto-Rodriguez.
Nanumpa siya bilang bilang bagong miyembro ng Aksyon Demokratiko party noong Huwebes, Setyembre 19, 2024.
Si Nieto-Rodriguez ay kapatid ng aktor at current Manila vice-mayor na si Yul Servo, na running-mate ni Manila mayor Honey Lacuna sa idaraos na halalan sa Mayo 2025.

Nanumpa si Rodriguez sa harap ni Isko Moreno, ang dating alkalde ng Maynila at pangulo ng Aksyon Demokratiko, at ni Chi Atienza, ang co-host ng morning show ng PTV4.
Isyu sa mga residente ng Maynila ang paglipat ni Nieto-Rodriguez sa partido ni Isko dahil si Yul ang vice-mayor ni Lacuna.
Sina Isko at Lacuna ang mahigpit na maglalaban sa mayoralty race sa Maynila sa eleksyon sa Mayo 2025.
Si Atienza, running-mate ni Isko, ang makakatunggali ni Yul.
Read: Isko Moreno, nagpaparamdam na sa kanyang "pagbabalik" sa Manila
SAM VERZOSA TO RUN FOR MANILA MAYOR?
Matagal nang nag-iikot, bumibisita sa burol ng mga patay, at namamahagi ng tulong sa mamamayan ng Maynila ang negosyante at Dear SV host na si Sam Verzosa.
Pero hindi pa ito nag-aanunsiyo tungkol sa posisyong pinupuntirya niya.
Read: Sam Verzosa, mamahaling de-lata ang ipinamimigay sa mahihirap
May mga haka-hakang, gaya nina Isko at Lacuna, kakandidato rin si Verzosa na alkalde ng Maynila.
May kinalaman din umano sa pagtakbo niya ang mga lumitaw na billboard na may nakasulat na “Sino Ka Ba, Sam Verzosa? Legit Ka Bang Taga-Maynila?"
Sa isang panayam, sinagot ni Sam ang isyu.
Diumano, isinilang at lumaki siya sa Maynila.
Sinabi rin niyang, may bahay sila sa Sampaloc, Manila hanggang ngayon kaya walang dahilan para pagdudahan ang pagiging lehitimong residente niya ng Maynila.
ENZO PINEDA TO RUN FOR QC COUNCILOR
Ang mga poster ni Enzo Pineda sa District V ng Quezon City ang malinaw na kumpirmasyon tungkol sa kanyang balak kumandidato bilang konsehal.
Nakasulat sa mga naglipanang campaign posters ni Enzo ang mga salitang "Azenso Tayo kay Enzo," na nagbibigay ng libreng gupit at libreng pagkain sa mga naninirahan sa District V ng Quezon City.
ANGELU DE LEON VS ARA MINA FOR PASIG COUNCILOR?
Nakikita na rin si Ara Mina sa mga medical mission sa Pasig City na lalong nagpaingay sa mga espekulasyong kakandidato siyang konsehal ng lungsod.
Usap-usapang umanib si Ara sa partido ng makakatunggali ni incumbent Pasig mayor Vico Sotto.
Read: Is Ara Mina running for councilor in Pasig City?
Samantala, tiyak na ang muling pagtakbo ni Angelu de Leon para sa pangalawang termino niya bilang konsehal ng ikalawang distrito ng Pasig City.
Si Angelu ang nag-No. 1 sa city councilors noong nakaraang eleksyon, kung saan kapartido niya si Mayor Vico.
Nang makausap si Angelu ng Cabinet Files, sinabi niyang huwag sanang maabutan ng election ban para sa mga artistang kakandidato sa papalapit na halalan ang partisipasyon niya sa Pulang Araw.
Gustung-gusto ni Angelu ang karakter na ginagampanan nito sa drama war series ng GMA-7 at lubos ang pasasalamat niya sa mga papuring natatanggap dahil sa kanyang mahusay na pagganap.
Read: Angelu de Leon, sinagot ang batikos sa pamimigay ng gulay