PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Angelica Yulo, nagbabala tungkol sa fake Facebook accounts

Angelica Yulo, sinusubukan na raw mag-move on.
by Jojo Gabinete
Published Sep 20, 2024
angelica yulo facebook
Angelica Yulo: "Be vigilant !!!! May mga naglalabasang mga fake accounts ko po and may mga quote cards pa. Inuulit ko po iisa lang po ang Facebook acct ko wala nang iba pa.. aside from my live selling wala na po akong ibang post."
PHOTO/S: Angelica Poquiz Yulo Facebook

“Be vigilant!”

Ito ang mensahe sa publiko ni Angelica Yulo dahil may mga taong gumagamit umano sa pangalan niya na nanghihingi ng pera para ipadala sa kanyang Gcash account.

Read: Angelica Yulo ibinebenta ang bahay na pinag-awayan nila ni Carlos

Mula sa 12,000 followers noong Agosto 2024, 103,000 na sa kasalukuyan ang bilang ng mga sumusubaybay sa Facebook page ni Angelica.

Pinaniniwalang ito ang resulta ng hindi nila pagkakaunawaan ng kanyang anak na si Carlos Yulo, na dalawang beses nanalo ng gintong medalya sa Paris Olympics 2024.

Ginamit ni Angelica ang kanyang official Facebook page sa panawagan nito:

“Be vigilant !!!! May mga naglalabasang mga fake accounts ko po and may mga quote cards pa.

"Inuulit ko po iisa lang po ang Facebook acct ko wala nang iba pa.. aside from my live selling wala na po akong ibang post,

"we're trying to move forward po. God bless sa mga naninira po sa akin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tumulong kay Angelica sa pagpapakalat ng babala ang mga kaibigan niyang nababahala dahil sa mga scammer na ginagamit sa panloloko ang pangalan ng ina ni Carlos.

Read: Angelica Yulo, nag-live selling ng "branded" T-shirt

angelica yulo post
Photo/s: Facebook

MARK ANDREW YULO'S FB FOLLOWERS

Samantala, humahabol kay Angelica sa paramihan ng Facebook followers ang asawa niyang si Mark Andrew Yulo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Meron nang 72,000 na tagasubaybay ang ama ni Carlos mula nang maging aktibo ito sa Facebook Live.

Read: Mark Andrew Yulo, may pasimpleng mga banat kina Carlos at Chloe

Kung may paalaala si Angelica sa lahat, very welcoming naman ang kanyang asawa dahil tinatanggap nito ang “stars” na ipinadadala ng kanyang FB followers.

Ibinibigay rin niya ang Gcash account number sa mga nagtatanong at nagnanais padalhan siya ng ayuda.

Read: Carlos Yulo's father takes a swipe at Olympic gold medalist

Mula nang makumpirma ang balita tungkol sa hindi pagkakaunawaan ni Carlos at ng kanyang mga magulang, halos araw-araw na silang laman ng mga balita.

May negatibo itong epekto dahil nakaramdam na ng pagkasawa ang publiko sa mga isyung kanilang kinasasangkutan.

Mapapansing nabawasan na ang "likes" sa mga isyu tungkol sa tila wala nang katapusang hidwaan ng pamilya Yulo dahil napapagod at nasasawa na nga ang mga tao.

Dahil sa inasal at inaasal nina Carlos at ng mga magulang nito sa social media, na nasasaksihan ng publiko, tila pinatunayan lamang nilang totoo ang kasabihang “the apple doesn’t fall far from the tree” kaya talagang magkakapamilya sila.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Carlos Yulo's mother speaks up about "mukhang pera" accusations

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angelica Yulo: "Be vigilant !!!! May mga naglalabasang mga fake accounts ko po and may mga quote cards pa. Inuulit ko po iisa lang po ang Facebook acct ko wala nang iba pa.. aside from my live selling wala na po akong ibang post."
PHOTO/S: Angelica Poquiz Yulo Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results