“Bano raw ako, e.”
Ito ang reaksiyon ni David Licauco nang mabanggit ang obserbasyon noon na "for fun" lamang ang pagpasok niya sa showbiz dahil hindi siya marunong umarte.
Pero napalitan ng mga papuri ang dating mga batikos sa walang kabuhay-buhay na pag-arte ni David dahil sa kanyang mahusay na pagganap bilang Hiroshi Tanaka sa Pulang Araw, ang primetime drama war series ng GMA-7.
Read: Pulang Araw boasts of ensemble cast, impressive storytelling
Si David at ang kanyang Pulang Araw co-stars na sina Jacky Woo, Jay Ortega, at Ryo Nagatsuka ang guests ni Boy Abunda sa Fast Talk With Boy Abunda ngayong Huwebes ng hapon, Setyembre 19, 2024.
Dito ay sinabi ni David na binago ng Pulang Araw ang mga pananaw niya sa buhay at bilang aktor.
“I would say that Pulang Araw really changed my perspective with my life.
"Sa acting, talagang feeling ko, this is something that I can do for a long time kaya ginagalingan ko talaga.
"Nag-iba talaga ang perspective ko, dati business lang," saad ni David.
Read: David Licauco, napipikon minsan kapag bina-bash ang acting
DAVID LICAUCO'S INTENSE PREPARATION
Marmi ang nakakapansing hindi nagpapahuli si David sa galing sa pag-arte ng kanyang mga kasamahan sa drama war series na pulido ang pagkakasulat ng kuwento.
Ayon sa aktor, pinaghahandaan niya talaga ang lahat ng mga eksena.

Aniya, “Maraming preparations kasi yung Japanese language, number one yun ang pinaka-challenge ko talaga.
"Every day kailangan ko siya i-memorize. Hindi lang one night para i-memorize. Parang it takes me two days, three days para i-memorize.
"And on top of that, yung acting pa.
“Siyempre mga kasama ko, mga batikan—sina Dennis, Alden, Barbie, Sanya.
"Ang galing nila so kailangan ko talagang gumaling at, siguro, aral din talaga. Aral ako nang aral ng acting, maraming trial and error.
“Before Pulang Araw kasi, nag-set ako ng goal na gusto ko na, hopefully, manalo ako ng award."
Nakatatanggap ng mga papuri ngayon si David dahil sa kanyang sensitibo at mahusay na pagganap sa Pulang Araw kaya hindi malabo ang posibilidad na matupad ang pangarap niyang magwagi ng acting award.
Read: How David Licauco's life has changed in the last five years
Hindi lamang ang abilidad ni David sa pag-arte ang pinupuri ng manonood sa Pulang Araw dahil hinahangaan din ang husay nina Alden Richards, Barbie Forteza, Sanya Lopez, Epy Quizon, Angelu de Leon, at ng supporting cast.
May mga eksena si Barbie na nagpapaalala sa amin sa pumanaw at multi-awarded actress na si Charito Solis dahil may pagkakaparehas ang lalim ng pag-arte at pag-atake nila sa bawat karakter na kanilang ginagampanan.