PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pinoy cruise ship employee, kulong dahil sa child pornography

Pinoy cruise ship employee, sinentensiyang 30 taon dahil sa child pornography
by Jojo Gabinete
Published Sep 18, 2024
arvin joseph mirasol symphony of the ses
Arvin Joseph Mirasol, former stateroom attendant of Symphony of the Seas, sentenced to 30 years in prison after being found guilty of child pornography.
PHOTO/S: Files

Trigger warning: child pornography

Tatlumpong taong pagkakakulong sa federal prison ang hatol ni U.S. District Court Judge Melissa Damian kay Arvin Joseph Mirasol, ang Pilipinong mamamayan ng Pilipinas at empleyado ng Symphony of the Seas cruise ship na pag-aari ng Royal Caribbean Group.

Napatunayan ng U.S. court noong Agosto 28, 2024 na nagkasala si Mirasol sa paggawa ng child pornography.

Read: TikToker gets double life imprisonment for murder of Pinay wife

Natuklasan ang krimeng ginawa ni Mirasol nang makita ang nakatagong kamera na inilagay niya sa ilalim ng lababo ng silid-paliguan ng mga bisita noong Pebrero 25, 2024.

Inireklamo ng bisita sa ship security ang kanilang nadiskubre kaya dinakip si Mirasol, na stateroom attendant ng Symphony of the Seas at nakadestino sa mga passenger cabin.

Nang dumaong ang cruise ship sa Port Everglades sa Fort Lauderdale, Florida, noong Marso 3, sumampa sa barko ang mga tauhan ng Homeland Security Investigations (HSI) at Customs and Border Protection (CBP) para mag-imbestiga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kinumpiska ang electronics (cellphone, camera, SD card, at USB stick) ni Mirasol at nakita sa kanyang SD stick ang mga video ng mga bata na naghuhubad ng damit at naka-focus ang kamera sa genitalia nila.

Nakita rin si Mirasol sa isang video habang ikinakabit niya ang kamera sa bathroom ng mga bisita.

Nakagawa ng paraan ang HIS personnel na kilalanin ang katauhan ng mga batang may edad na dalawa hanggang labimpito.

Read: Catriona Gray falls victim to robbery in London

HIDDEN CAMERAS

Nalaman sa kasunduan sa pagitan ng prosecutor at ni Mirasol na sinimulan nito ang paglalagay ng hidden cameras sa mga passenger cabin simula pa noong Disyembre 2023.

Pumapasok si Mirasol sa kuwarto habang naliligo ang mga bisita. Nagtatago siya sa ilalim ng kama at kinukunan niya ng video ang paglabas mula sa banyo ng kanyang mga biktima.

Inamin ni Mirasol na alam nitong mali ang kanyang mga ginawa pero hindi raw niya makontrol ang sarili.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinagtapat ni Mirasol sa post-Miranda investigation na pinaliligaya niya ang sarili habang pinanonood ang mga video na kanyang kinunan.

Sina U.S. Attorney Markenzy Lapointe ng Southern District of Florida; Anthony Salisbury, special agent in charge of HSI, Miami; at Carlos Martel, CBP director of field operations, ang mga nag-anunsiyo tungkol sa krimeng ginawa ni Mirasol at nakipagtulungan sa imbestigasyon ang Royal Caribbean Group security.

Samantala, si Assistant U.S. Attorney Catherine Koontz ang naglitis sa kaso.

Read: Spanish YouTube chef sentenced to life in prison for murder

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Arvin Joseph Mirasol, former stateroom attendant of Symphony of the Seas, sentenced to 30 years in prison after being found guilty of child pornography.
PHOTO/S: Files
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results