Importante ang karakter na ginagampanan ni Mark Anthony Fernandez sa Pasahero, pero hindi siya sumipot sa media conference ng suspense-thriller movie ng Viva Films na magbubukas sa mga sinehan sa Oktubre 9, 2024.
Ang cult director na si Roman Perez Jr. ang direktor ng Pasahero.
Hindi rin alam ng direktor ang dahilan ng hindi pagdalo ni Mark sa press conference na naganap sa Vica Cafe, sa Cubao, Quezon City, nitong Friday the 13th, Setyembre 13, 2024.
Read: Mark Anthony Fernandez tahimik lang sa sariling kontrobersya
May mga dudang maaaring iniiwasan ni Mark na matanong tungkol sa alleged sex video niya na maingay na pinag-usapan noong Hulyo 2024.
Pero ayon kay Direk Roman, nagkausap sila ng aktor at nanindigan itong ginamitan lamang ng AI (artificial Intelligence) ang controversial viral video o sa madaling-salita, ginamit lamang ang mukha ng aktor sa maselan na video.
Read: Mark Anthony Fernandez, "binasted" ng Vivamax star
Nanghinayang ang ibang mga miyembro ng entertainment press sa hindi pagpapakita ni Mark sa media conference ng Pasahero.
Pagkakataon na sana niyang sagutin ang isyu at wala raw dapat ikahiya bilang positibo ang lahat ng komento at reaksyon ng publiko.
LAST PNR PASSENGERS
Samantala, bukod sa kuwento tungkol sa pag-uusap nila ni Mark, inilahad ni Direk Roman ang ilan sa mga impormasyon tungkol sa shooting ng Pasahero na pinangungunahan din nina Bea Binene at Louise delos Reyes.

“Sa kasamaang-palad, isasara na ang PNR [Philippine National Railways] during our shoot, so kami yung last trip.
"Literal na kami ang nag-last trip noong March dahil isinara na kinabukasan,” pagbabahagi ng direktor.
Opisyal na isinara ang PNR noong Marso 28, 2024.
Ipinaliwanag ni Direk Roman na piniling ipalabas sa mga sinehan ang Pasahero sa Oktubre 9 dahil may pasok na sa paaralan ang mga estudyante na target audience ng kanilang pelikula.
“Pasukan na. Yung playdate, important talaga kasi pumapasok na ang mga estudyante, at yun ang core ng audience ng Pasahero. Barkada film kasi siya.
“Itong October, may dalawang pelikula na horror ang Viva Films, Pasahero at Nanay, Tatay.
"May international film din na binili ng Viva para sa season na ito na maganda dahil pasukan, nandiyan ang mga estudyante at saka Halloween."
Ayon pa kay Direk Roman, “Ibang-iba ang Pasahero dahil sociological horror ito, hindi yung traditional horror movie na napapanood natin.
“Ang Pasahero, mas psychological at sociological. Hindi typical horror movie na nananakot.
"Ito yung horror movie na tinatakot ka dahan-dahan dahil ilalagay ka sa sitwasyon ng mga karakter ng pelikula.”
