PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rocco Nacino, hindi na tatakbong konsehal sa Antipolo City

Rocco Nacino, mas gustong mag-focus sa pag-aartista.
by Jojo Gabinete
Published Sep 11, 2024
rocco nacino politics
Rocco Nacino on joining politics: "Maybe I am not closing my doors but it’s something I have to prepare for carefully. But at this time, with the projects na nakalinya sa akin, I want to devote my focus dito muna.”
PHOTO/S: Jojo Gabinete / @nacinorocco on Instagram

Kinumpirma ni Rocco Nacino na hindi matutuloy ang pagkandidato nitong konsehal ng Antipolo City sa halalan sa Mayo 2025.

Mas gusto raw niyang pagtuunan ng atensiyon at panahon ang kanyang showbiz career.

May mga kumukumbinsi kay Rocco na kumandidato bilang konsehal ng siyudad na tinitirhan nila ng kanyang pamilya, pero nakapagdesisyon na siya bago pa mangyari sa susunod na buwan ang paghahain ng kandidatura ng mga nagnanais maglingkod sa publiko.

Read: Rocco Nacino joins Philippine Navy's elite NAVSOCOM as honorary member

“Marami ang nagsasabi sa akin to push for it, pero itong month na ito and the coming days ahead, dahil malapit na rin ang filing [ng candidacy], maraming factors that will help me decide.

"Pero pagdating sa ganyan, mas gusto ko mag-focus sa pag-aartista ko, meron akong projects na nakalaan sa akin,” sabi ni Rocco nang kumustahin ng Cabinet Files ang mga panghihikayat sa kanyang tumakbo na konsehal sa Antipolo City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagpapatuloy ng Kapuso actor: “The possibility and yung trust na nararamdaman ko from them, na-appreciate ko talaga yon, if they think that I can be a good leader sa City of Antipolo.

"Pero sa tingin ko, magandang timing siguro.

“There are a lot to learn, politics is a different field at ibang mundo yan.

"So for me, siguro mas maganda na paghandaan ko nang maayos yan.

“If ever na tutuloy ako, coming from someone na may invitation nga at nagsasabi na ini-invite ako na mag-politics, isang bagay na dapat na pag-aralan muna.

"But let’s see in the coming years if the offers still come up at ready ako, maybe.

“I am not closing my doors bilang isang tao na mahilig sa kawanggawa, isang representative of the Philippine Navy and, even way back, gawain na namin ng family ko na tumulong, magbigay ng inspirasyon at magkawanggawa.

“It’s exactly the same thing, this time leading and not be part of it.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Maybe I am not closing my doors but it’s something I have to prepare for carefully.

"But at this time, with the projects na nakalinya sa akin, I want to devote my focus dito muna.”

Read: Rocco Nacino says he's not a "praning" dad

ROCCO'S SPORTS ADVOCACY

Hindi man matutuloy ang pagkandidato niya, handa si Rocco na ibahagi ang nalalaman nito sa mixed martial arts sa kanyang mga kababayan sa Antipolo City.

Ikinuwento ni Rocco na nagkausap sila ni Rizal governor Nina Ynares at nabanggit niya ang kagustuhang makatulong sa Antipolo City sa pamamagitan ng kanyang adbokasiyang may kinalaman sa sports.

Lahad ng aktor: “Nakausap ko si Rizal governor Nina Ynares and nag-propose ako na yung ongoing renovations na ginagawa sa Ynares Gym sa Antipolo, sabi ko sa kanya, ‘Gob., baka puwede natin dalhin ang mixed martial arts dito and bring the people to the east.

“'Magtulungan tayo. Yung tourism sa Antipolo, matutulungan natin. At the same time, we earn more followers of the sport.'

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Game na game siya. Ngayon, pinag-uusapan namin, hinahayaan lang namin matapos yung renovations ng Ynares Gym tapos mag-uusap na kami.”

Samantala, pumirma ng kontrata si Rocco bilang chief executive officer ng Zeus Combat League nitong Miyerkules, Setyembre 11, 2024.

Kasama ni Rocco sa contract signing si Burn Soriano, ang founder ng Zeus Combat League at kilala bilang mahusay na mixed martial arts artist.

burn soriano rocco nacino zeus
Rocco Nacino (right) with Zeus Combat League founder Burn Soriano
Photo/s: Jojo Gabinete
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi lamang CEO si Rocco ng Zeus Combat League dahil siya rin ang host, commentator, at mukha ng naturang organisasyon.

Hindi nagdalawang-isip si Soriano na kunin ang serbisyo ni Rocco dahil malaki ang maitutulong nito bilang avid fan ang aktor ng mixed martial arts at brown belter ng Jiu jitsu.

Nakatitiyak si Soriano na magkakaroon ng sapat na kaalaman ang mga Pilipino tungkol sa mixed martial arts dahil sa kredibilidad at impluwensiya ni Rocco.

Read: Rocco Nacino almost fell prey to online scammer who he thought was Gabby Eigenmann

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rocco Nacino on joining politics: "Maybe I am not closing my doors but it’s something I have to prepare for carefully. But at this time, with the projects na nakalinya sa akin, I want to devote my focus dito muna.”
PHOTO/S: Jojo Gabinete / @nacinorocco on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results