Barkadahan ng Makakasalanan ang pamagat ng pelikulang co-production venture ng GMA Pictures at ni former Ilocos Sur Governor Luis “Chavit “ Singson.
Naganap ang pirmahan ng kontrata ng magkabilang-panig noong Martes, Setyembre 10, 2024.
Read: KathDen reunion movie, collab ng Star Cinema at GMA Pictures
Dinaluhan ito nina Singson, GMA Pictures president Annette Gozon-Valdes, GMA Pictures Senior vice-president Nessa Valdellon, philantrophist Pinky Tobiano, at ng mga contract star ng Sparkle GMA Artist Center, kabilang sina Rabiya Mateo, Betong Sumaya, Chanty Vidal, at Chariz Solomon.
Si Benedict Mique ang direktor ng Barkadahan ng Makakasalanan.
Isa ito sa mga bagong proyekto niya pagkatapos ng tagumpay sa Netflix Philippines ng Lolo and The Kid, ang pelikula nina Joel Torre at Euwenn Mikaell.
Read: Lolo and the Kid, Pulang Araw namamayagpag sa Netflix

NOT ONE, BUT TWO COLLAB MOVIES
May partisipasyon si Tobiano sa pagsasapelikula ng Barkadahan ng Makakasalanan.
Paglalarawan niya tungkol sa kuwento ng proyekto: “A light comedy with a beautiful story of rebirth and finding a purpose and meaning in life.”
Para kay Tobiano, “providential” ang birthday dinner niya noong Hulyo 2024 dahil dito nabuo ang pag-uusap nina Atty. Gozon-Valdes at Singson tungkol sa posibilidad na co-production venture.
Dalawa at hindi lamang isa ang pelikulang gagawin ng GMA Pictures at ni Singson.
Kabilang sa pinaplano ang proyektong pagbibidahan ng mga sikat na Kapuso actors, kasama ang isang international celebrity.