Nagtapos ng kursong Bachelor of Science in Marine Transportation sa Asian Institute of Maritime Studies si Armani Hector noong Setyembre 4, 2024.
Pero hindi ang pagkakaroon ng college diploma ang magiging dahilan para ihinto niya ang pagpapaseksi sa mga pelikula ng Vivamax.
Read: Who is Armani Hector?
Ang mga magulang ni Armani ang pinakamasaya dahil natupad ang kanilang pangarap makatapos ng pag-aaral ang anak nila.
FROM SEXY MOVIES TO WHOLESOME PROJECTS
Ikinuwento ng manager ni Armani na si Rhina Montemayor sa Cabinet Files na wholesome projects ang dapat gagawin ni Armani nang pumirma ito ng kontrata sa Viva Artists Agency.
Pero hindi nila pinakawalan ang pagkakataong makatrabaho sa isang pelikula ng Vivamax ang multi-awarded director na si Joey Javier Reyes.
Lahad ni Rhina, “He was originally signed to do wholesome projects pero since doing Karinyo Brutal was an opportunity to work with THE Direk Joey Reyes, we grabbed it immediately.”
Ibinahagi rin ni Rhina ng mga plano niya para kay Armani.
“We are slowly transitioning him into doing more wholesome and challenging roles kaya medyo hindi na marami ang sexy scenes sa last movie niya and this one that he’s doing.
“So now, we are set on transitioning him back to our original career goal, which is more on the wholesome projects.
"Pero hindi naman po ibig sabihin, bigla na lang siyang mawawala sa Vivamax.
“Kung ano pa rin po ang sa tingin ng Viva Artists Agency na makabubuti sa career ni Armani, doon po kami,” paliwanag ni Rhina tungkol sa career path ni Armani.
Read: Hubadero 2024 1Q Edition: Vivamax sexy actors deliver the goods
Ang Daddysitter ang huling proyekto ni Armani para sa Vivamax, at ginagawa niya ngayon ang kanyang bagong pelikula, ang Obsesyon.
Kontrabida ang karakter na ginagampanan ni Armani sa Obsesyon na gustung-gusto niya dahil malaking hamon sa kanyang acting talent.
Dahil nakatapos na siya ng pag-aaral, nangako si Armani na pagbubuhusan ng atensiyon at panahon ang kanyang acting career na katuparan ng matagal nang pangarap niyang makapasok sa showbiz.