Natuklasan ng ama ni Carlos Yulo na si Mark Andrew Yulo ang kapangyarihan ng social media dahil hindi na "profile locked" ang kanyang Facebook account.
Aktibong-aktibo na rin siya sa Facebook Live.
At press time, meron nang 36,000 followers at patuloy na nadaragdagan ang Facebook page ni Mark.
Tuwang-tuwa ang ama ni Carlos dahil sa stars at perang ipinadadala ng mga nakikisimpatiya sa kanilang pamilya kaya maluwag sa kalooban niyang ipamigay ang kanyang GCash account number.
Read: Carlos Yulo's father takes a swipe at Olympic gold medalist

MARK ANDREW TAKES A SWIPE AT CARLOS AND CHLOE
Pero may panganib na hatid ang pagiging aktibo ni Mark sa Facebook Live. Dahil sa mga sinasabi niya, lumalaki ang posibilidad na lumalim pa ang hidwaan nila ng kanyang anak na two-time Paris Olympic gold medalist.
Sa Facebook live ni Mark noong Biyernes ng gabi, Setyembre 6, 2024, nagkomento ang isang follower na malapit ang tinitirhan nito sa condominium building na tinutuluyan ni Carlos sa Taguig City.
Pabirong sabi ni Mark, “Pakibatukan nga si Caloy diyan. Malapit ka pala sa condo niya. Pakibatukan nga si Caloy diyan kapag nakita mo.”
Sa tanong ng isang follower kung ginatasan niya si Carlos, sumagot si Mark ng: “Paano ko ginatasan? Baka ako ang ginatasan ni Caloy. Kinuha niya yung semilya ko tapos ginanyan lang niya kami?”
Kaagad sinabi ng ama ni Carlos na nagbibiro lamang siya, pero bakas sa boses niya ang kinikimkim na tampo sa anak na hindi pa rin nakikipag-usap sa kanya.
Nang may magbanggit na bagay si Carlos sa aktres na si Andrea Brillantes, mabilis na umayon si Mark.
“Oo. Bagay na bagay,” sagot nito, na tila pasaring kay Chloe San Jose, ang karelasyon ng kanyang anak.
Marami pang mga salita na pinakawalan si Mark tungkol kina Carlos at Chloe tulad ng mga sumusunod:
“Nawa’y magbago yung dalawa."
"Ipagdasal na lang natin si Caloy saka si Goldie."
"Ano sila, e, nasa alapaap, e. Hindi pa nila alam yung mga mangyayaring karma. Joke lang.”
Ipinaalaala rin ni Mark na mapapadalas na ang kanyang Facebook live at ipagpapatuloy nila ang naumpisahang pagpapakain sa mga batang naninirahan sa kanilang lugar.
Read: Angelica Yulo Facebook posts, pasaring kay Carlos Yulo?
Ipinagdarasal pa rin daw ni Mark na magkaayos sila ni Carlos at ng girlfriend nito, kahit na malinaw na may mga banat siya sa dalawa.

Sabi niya: “Palagi na kaming magla-live, bukas magpapakain kami ng mga bata.
"May nagbigay sa amin na isang mabait na kaibigan para makapagpa-feeding kami para sa maraming kabataan. Sa ibang lugar, magbibigay tayo ng blessings.
“Wala, e, hindi ako pinansin ni Boss Caloy saka ni… Okay lang yon, marami pa naman mabubuting tao sa mundo.
"Kasama pa rin sila roon kaya tanging dasal ko lang, magkaayos kami.
“Normal naman sa mga tao na tulad natin na nabubuhay na nilalang sa mundo, nagkakamali rin.
"Walang perpektong tao kaya kailangan din tayo na maging mabait sa kapwa.”
Read: Mark Andrew Yulo demands an end to rift with son Carlos, Chloe
FACEBOOK LIVE WITH SON ELDREW
Nitong Sabado ng umaga, Setyembre 7, 2024, maaga ang Facebook live session ni Mark kahit napuyat siya noong Biyernes ng gabi.
Ipinakita ni Mark ang pagpunta nila ng kanyang 16-year-old son na si Karl Eldrew sa gym dahil mag-eensayo ito.
Sakay ng motorsiklo ang mag-ama.

Si Eldrew ang nagpapatakbo ng motorsiklo habang binabaybay nila ang mga kalsada sa Maynila, at tinuturuan siya ng ama sa wastong pagpapaandar ng kanilang sasakyan.
Mapanganib ang ginawa ng mag-ama, hindi lamang para sa kanila kundi pati sa ibang motoristang nag-iingat sa pagmamaneho. Maraming distractions kay Eldrew dahil live si Mark sa Facebook na nagpapakita ng kanilang pagbibiyahe at nagsa-shoutout nito sa manonood.