Nanay, Tatay ang pamagat ng upcoming suspense-thriller movie ng mga young actress na sina Xia Vigor at Elia Ilano.
Pero sa tunay na buhay, sangkot sa isyu ang kani-kanilang mga nanay na sina Christy Bernardo at She Ilano.
Si Christy ang ina ni Xia at si She naman ang ina ni Elia.
Read: Ina ni Xia Vigor, hindi binubusog sa papuri ang teen actress
Hindi pa nagsasalita ang mga ina nina Xia at Elia tungkol sa pinag-ugatan ng kanilang malalim na hidwaan, pero isang informant ng Cabinet Files ang nagsabing nagsimula ang alitan ng dalawa bago pa man nag-umpisa ang shooting ng mga anak nila para sa Nanay Tatay.
XIA'S MOTHER REPLIES TO ELIA LOVERS FACEBOOK POST
Ayon sa mga saksi, binabati ng nanay ni Elia si Xia sa tuwing nagkikita sila sa set ng kanilang ginagawang pelikula kaya ikinagulat nila ang mga kontrobersiyal na komento ni Christy sa thread ng Nanay Tatay sa Facebook page ng Viva Films.

Tila nagsimula ito sa Facebook post ng Elia Lovers: “With humility and gratitude, we congratulate our FAMAS Best Child Actress and Star Awards Best Child Performer, ELIA ILANO!
“Hindi lang pang-movie, may TV show pa and musical play na upcoming. You Never cease to amaze us with what you can do. A well deserved congratulations, Elia! More blessings to come.”
Read: 72nd FAMAS: Kathryn, Piolo, Alfred win top acting awards
Malinaw na hindi nagustuhan ng nanay ni Xia ang Facebook post na ito ng Elia Lovers dahil sa kanyang sagot na naka-tag ang Elia Lovers.
Walang patumpik-tumpik na sinabi ni Christy: “Tigilan na po natin payabangan at padamihan ng awards. Alam naman po ng mga boss at mga directors kung sinong totoong may K at magaling.
“No need na po na ipagyabang! We all have to unite and promote the movie. We don’t need negativity and bragging! We should just be grateful we are all given new project at pagalingan tayo mag-promote, hindi pagalingan sa pagyayabang!
“It’s a waste of energy na dapat sa pagpu-promote nilalagay ang mga energy natin! We shouldn’t waste it sa mga ganitong walang kabuluhan. Nakaka-drain ng energy.”
Ibinulgar din ni Christy na ang nanay ni Elia umano ang may hawak ng Elia Lovers Facebook account kaya, bilang ina, siya na ang nagkusang sumagot sa komentong hindi pasado sa kanyang panlasa.

REAL TALK
Ipinaalaala rin ni Christy na ang kanyang anak na si Xia ang main character sa Nanay, Tatay, kasunod ang “real talk” na marami na ang mga parangal na nabibili.
“Nanay din lang ang may hawak ng account na to nanay din akong sumasagot,” ani Christy.
“Ok na po si Elia na pinakamagaling at madaming awards pero no need na pong sabihin dito.
"Yung nabigyan ng break sa movie na to na mga main character, pinaghirapan po nila na nakarating sila sa pwestong yan.
“Wag kayong nang-aagaw ng spotlight at alam naman po namin ang mga awards at nakabalandra naman sa lahat ng Facebook account nyo.
“Si Xia hindi lang sampu ang awards pero never ko iku-comment at ibabalandra sa Facebook na ganito awards n’ya.
“No need na po mga ganun. Alam ng mga direktor kung sinong artista magaling with or without awards at madaming nabibiling awards ngayon, dami.
“Kung nababasa Elia our Famas best child actress at next superstar, good luck kung maging superstar pero wag na pong i-comment mga ganun. Wait for your time!
“Saka hintayin nyo ang time na main character na anak mo saka ka umastang main character. Sa ngayon, wag kayo ganyang umasta at baka nag-i-start pa lang kayo eh baka kung saan na kayo pulutin.
“Matalino na mga fans. Ayaw nila ng mayabang! With all humility pa pala yung lagay na yun!”
Bukas ang Cabinet Files sa panig ni She Ilano sa mga pahayag ni Christy Bernardo.
Read: Xia Vigor balik-pelikula apat na taon pagkatapos ng Miracle in Cell No. 7