PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

AR dela Serna, kinumpirma ang joint bank account nila ni Roque

AR dela Serna, anim beses bumiyahe abroad kasama si Harry Roque.
by Jojo Gabinete
Published Sep 5, 2024
ar dela serna harry roque congress hearing
Mister Supranational Philippines 2016 Alberto Rodulfo “AR” dela Serna (left) confirms that he had a joint bank account with former presidential spokesperson Atty. Harry Roque (right).
PHOTO/S: Facebook / X

Ang pelikula ng Viva Films na Martyr or Murderer ang tinutukoy ni Mister Supranational Philippines 2016 Alberto Rodulfo “AR” dela Serna na dahilan ng pagpunta nila ni Atty. Harry Roque sa Hong Kong noong Abril 1, 2023.

Sinabi ito ni AR sa kanyang muling pagharap sa quad committee hearing ng House of Representatives noong Miyerkules, Setyembre 4, 2024, na may kinalaman pa rin sa kaugnayan umano ng dating presidential spokesperson sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGO).

Si AR ang former executive assistant ni Roque.

Read: AR De La Serna, ano ang tunay na ugnayan kay Harry Roque?

Sa kanyang testimonya, inamin ni AR na anim na beses silang magkasamang bumiyahe ni Roque sa iba’t ibang bansa noong 2023.

Sa Hong Kong ang unang biyahe nila.

“The first trip was a trip to Hong Kong po. Sa pagkakaalala ko, Mr.Chair, iyon po yung premiere night ng isang movie po with the Marcos family… yung movie po ni Senator Imee, may premiere night po that time,” rebelasyon ni AR, na nagmistulang martir dahil sa malumanay at malambing na pagsasalitang epekto ng pagkakaroon niya ng Visayan accent.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa pagkakatanda ni AR, Abril 1, 2023 o April Fools' Day nang pumunta sila ni Roque sa Hong Kong.

Tumutugma ito sa impormasyong nakalap ng Cabinet Files na idinaos ang premiere night ng Martyr or Murderer sa Sunbeam Theatre Northpoint, sa Hong Kong, noong Abril 2, 2023.

Si Roque ang inimbitahang panauhing tagapagsalita sa meet-and-greet ng premiere night ng Martyr or Murderer na dinaluhan ng mga Pilipinong nagtatrabaho sa Hong Kong.

Read: Ronnie Liang speaks up about viral video with Harry Roque

harry roque poster
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

THE JOINT BANK ACCOUNT

Pero hindi ang anim na beses na pangingibang-bansa nila ni Roque ang nakakaintrigang isiniwalat ni AR.

Higit na ikinagulat ng marami ang kanyang rebelasyong may joint bank account sila ng dating employer niya.

Ang aktor at House Committee on Public Order and Safety chairperson na si Dan Fernandez ang nagtanong kay AR tungkol sa joint bank account nito ni Roque.

Base ito sa mga dokumentong nakita nang lusubin ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ang POGO hub sa Porac, Pampanga, noong Hunyo 2024.

“I have a joint account with Atty. Roque po… sa pagkakaalam ko po, Mr. Chair, closed na po ang account na yun,” kalmadong pahayag ni AR tungkol sa joint bank account nila ni Roque sa BPI na may depositong tatlong milyong piso.

Pagpapatuloy ni AR, “Sa pagkakaalala ko kasi, Mr. Chair, that account was used for election po.

“Around PHP3M or more, Mr. Chair. One transaction. Alam ko that’s the limit, Mr. Chair, yung pinakamalaki po na deposit.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Hindi ko po alam if magkano lahat ang pumasok, Mr. Chair. Hindi ko po alam ang total amount [ng pera] na pumasok.”

Ipinagtapat ni AR na nagawa niyang mag-withdraw noon ng PHP1.2 million hanggang PHP1.8 million kada isang buwan mula sa joint account nila ni Roque dahil sa “election purposes” at payroll ng election staff.

Read: Harry Roque ribs Ai-Ai delas Alas for choosing UniTeam: "Hindi mawawala ang iyong prangkisa."

ar dela serna congress hearing
AR dela Serna during the quad committee hearing of House of Representatives on September 4, 2024
Photo/s: Screen grab from Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi natapos kay Fernandez ang paggisa kay AR dahil diretsahan ang mga tanong ni House Representative Romeo Acop sa dating executive assistant ni Roque.

Tinanong ni Acop ang kontribusyon ni AR sa joint bank account nito kay Roque.

“Wala po ako kino-contribute,” sagot ni AR.

“Wala ka naidadagdag sa joint account ninyo ni Atty. Roque pero you’re authorized na mag-withdraw?” nagtatakang sabi ni Acop.

“Yes po, Mr. Chair,” tugon ni AR.

Komento ng kongresista, “Nalalaman ko lang yan, nangyayari yan sa mag-asawa, mag-ina o mag-ama, e, di po ba? Yung joint account.

"Ano sa tingin mo, iho? Maliban lang kung ipinapatago niya yung pera sa yo kasi hati kayo.”

Malumanay pa ring sagot ni AR, “Hindi ko naman po pinapakialaman ang pera po ni Atty. Roque po.”

Pang-uusisa ni Acop, “E, ginagawa lang yan ng magulang sa anak, e, o kaya sa kanyang asawa, magdyo-joint account sila, di po ba? Ano sa tingin mo?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay AR, “Inutusan lang po ako, Mr. Chair, sumunod lang naman po ako.”

Pasarkastikong ni Acop, “Inutusan ka lang and sumunod ka. E, kung sasabihin ba niya na lumundag ka sa bangin, lulundag ka?

“Hindi naman po siguro Mr. Chair…” reaksiyon ni AR, na nananatiling kalmado sa sunud-sunod na mga tanong sa kanya.

AR DELA SERNA: ROQUE'S TRAVEL COMPANION OR EXECUTIVE ASSISTANT?

Nasangkot ang pangalan ni AR dela Serna sa kontrobersiya dahil sa mga dokumentong nasamsam ng mga miyembro ng PAOCC nang salakayin nito ang Lucky South 99, isang POGO hub sa Porac, Pampanga.

Si Roque ang abogado ng Whirlwind Corporation, ang real estate firm na nangungupahan sa bakuran ng Lucky South 99 compound.

Naninindigan si Roque na walang kaugnayan sa kontrobersiyal na POGO hub.

Read: Harry Roque takes a swipe at Vice Ganda: “Kung di pagtitiwalaan ang vaccine experts, sino? Siguro di ang mga komedyante.”

Nakasaad sa mga nakitang dokumento ang affidavit of support ni Roque kay AR sa biyahe ng kontrobersiyal na politiko sa Poland, Ukraine, at Italy noong Oktubre 9, 2023 hanggang Oktubre 18, 2023.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nangako siyang sasagutin niya ang lahat ng mga gastos ni AR sa kanilang biyahe.

Inimbitahan daw si Roque sa mga nabanggit na bansa sa Europa para maging resource person tungkol sa usaping pangkapayapaan sa Ukraine.

Nakasaad sa dokumentong isinumite ni Roque: “I am financially capable and willing to cover all expenses related to De La Serna’s travel, including, but not limited to, transportation, accommodation, meals, medical expenses and any other necessary costs,”

Ipinaliwanag ni Roque na kailangan niya ng kasama sa kanyang biyahe sa Europa dahil diabetic, may coronary stent at acute spinal stenosis siya.

Kasunod ng paglitaw ng pinag-uusapang dokumento ang paglabas ng kopya ng appointment paper ni AR bilang executive assistant ni Roque sa Office of the Presidential Spokesperson.

May petsa itong Oktubre 5, 2021 at may bisa mula Enero 4, 2021 hanggang Disyembre 31, 2021.

May paliwanag din si Roque sa mga miyembro ng media noong June 2024 tungkol sa pagkuha niya kay AR bilang executive assistant, sa gitna ng pagbibigay kahulugan ng ilang netizens tungkol sa kanilang tunay na ugnayan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad niya: “Sinabi na po ng mga pulis na wala pong kriminal na nakita sila dun sa mga sulat.

"Yan po ay mga papeles ng appointment at wala po talagang kriminal na intent diyan. So, nilinaw na po ‘yan ng pulis.

“Siya [AR] po ay galing sa isang political family na De La Serna.

"Ang lolo po niya ay naging dating gobernador ng Bohol. Ang lolo niya sa side ng nanay niya ay dating vice-mayor.

"Siya po ay isang college graduate at siya po ay kinuha ko bilang isang IT.

“Sila po ang nag-handle, isang grupo po sila ng mga barkada na nag-handle ng aking social media presence noong ako po ay nasa Malacañang at kami po ay nasa eleksyon.

“Siya po ay dati kong empleyado, yun po ang alam ko po.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mister Supranational Philippines 2016 Alberto Rodulfo “AR” dela Serna (left) confirms that he had a joint bank account with former presidential spokesperson Atty. Harry Roque (right).
PHOTO/S: Facebook / X
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results