PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

FAKE NEWS: Mark Anthony, payag makapareha si Chloe sa Vivamax

Mark Anthony, pinabulaanang may post siya tungkol kay Chloe.
by Jojo Gabinete
Published Sep 1, 2024
mark anthony fernandez chloe san jose
Mark Anthony Fernandez denies posting a tweet saying that he is willing to be paired with Chloe San Jose, Carlos Yulo's girlfriend, in a Vivamax project.
PHOTO/S: Jojo Gabinete / Instagram

Fake news ang kumakalat na balitang payag si Mark Anthony Fernandez na makapareha si Chloe San Jose sa isang pelikula ng Vivamax.

Sinabi ni Mark sa Cabinet Files na walang katotohanan ang balita.

Read: Mark Anthony Fernandez, "binasted" ng Vivamax star

Ayon pa sa aktor, fake din ang social media account na gumamit ng kanyang larawan at pangalan na may pahayag na: “Kung papayag si Carlos Yulo, game ako diyan. Sino ba naming hindi, Chloe San Jose yan e.”

May hashtag itong "#VIVAMAX."

mark anthony fernandez fake post
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Chloe ang kasintahan ng two-time Paris Olympics 2024 gold medalist na si Carlos Yulo.

Dahil sa kanyang porma at mapangahas na social media posts, may ilang netizens na nagkomentong puwedeng-puwedeng magbida si Chloe sa mga proyekto ng Vivamax.

Nanawagan si Mark na maging maingat at mapagmasid ang publiko sa mga balitang lumalabas sa social media para hindi sila mabiktima ng fake news.

Idinagdag pa ng equally controversial actor na kapag tungkol sa kanya ang mga isyu, paniwalaan lamang ang mga balita na lumalabas sa GMA-7, TV5, PEP, at ng verified Facebook page ng home studio niya, ang Viva Entertainment.

Read: Mark Anthony Fernandez tahimik lang sa sariling kontrobersya

CHLOE SAN JOSE SAYS SHE WILL NOT JOIN SHOWBIZ

Sa panayam ng PEP kay Chloe noong Agosto 29, 2024, nagbitaw ng salita ang girlfriend ni Carlos na hindi ito papasok sa showbiz.

Read: Chloe San Jose no plans to enter showbiz

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya hindi dapat paniwalaan ang balitang interesado ang Vivamax sa serbisyo niya, at si Mark ang planong ipareha sa kanya.

Sina Carlos, Chloe, Mark, at Sandro Muhlach ang mga personalidad na naging kontrobersiyal noong Agosto 2024 kaya hindi nakapagtatakang sila ang napagtuunan ng pansin at naging sentro ng mga pang-iintriga ng mga mahihilig sa mga eskandalo at isyu.

Mula nang manalo si Carlos ng gold medals sa Paris Olympics, naging puntirya na siya at si Chloe ng fake news.

Sa kasamaang-palad, may mga Pilipino pa ring naniniwala sa mga imbentong balita, sa kabila ng katotohanang marami nang paraan ngayon para matukoy ang fake news.

Read: PEP joins GMA Network's 'Panata Kontra-Fake News' campaign

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mark Anthony Fernandez denies posting a tweet saying that he is willing to be paired with Chloe San Jose, Carlos Yulo's girlfriend, in a Vivamax project.
PHOTO/S: Jojo Gabinete / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results