Pormal na mag-uumpisa sa Setyembre 1, 2024 ang pagdiriwang ng 4th Philippine Film Industry Month [PFIM] sa pamamagitan ng libreng pagpapalabas sa Metropolitan Theater ng Aguila, ang 1980 movie ni National Artist for Film Eddie Romero.

Ang special screening ng Aguila ang isa sa mga proyekto ng Film Development Council of the Philippines para sa isang buwan na pagdiriwang ng PFIM.


Read:
- 4th Philippine Film Industry Month, kasado na
- Direk Joey Reyes urges Pinoy filmmakers to "think globally"
Isinilang si Romero noong Hulyo 7, 1924, idineklara na National Artist noong Hunyo 25, 2003 at binawian ng buhay noong Mayo 28, 2013.
AGUILA SPECIAL SCREENING, PARANGAL KAY NATIONAL ARTIST EDDIE ROMERO
Ang Aguila ang pelikula na ipalalabas sa opening ceremony ng PFIM at kasabay nito ang paggunita ng FDCP sa ika-100 taon ng kapanganakan ni Romero.
Sinabi ni FDCP Chair Jose Javier Reyes na “This year, we’ll be celebrating the 100th birthday of the National Artist Eddie Romero.
“The opening ceremony will be held at the Metropolitan Theater where we are screening Aguila,one of his monumental films and giving honor and tribute to Eddie Romero and his family, cast members of Aguila na nandito pa hanggang sa ngayon.
“It will be held at the Metropolitan Theater on the 1st of September, Sunday.”
Inaasahan ang pagdalo ng mga miyembro ng pamilya ni Romero sa pangunguna ng kanyang anak, ang direktor na si Joey Romero, sa opening ceremony ng PFIM.
AGUILA CAST, IMBITADO SA SPECIAL SCREENING
Hindi nagbanggit si Reyes ng mga pangalan ng mga artista ng Aguila na nabubuhay pa at pararangalan ng FDCP pero kabilang sina Christopher de Leon, Elizabeth Oropesa, Sandy Andolong, Chanda Romero, Roderick Paulate, Celia Rodriguez, Daria Ramirez at Charo Santos sa stellar cast ng ipinagmamalaki na pelikula ni Romero.
May espesyal na partisipasyon sa Aguila ang mga bata pa noon na sina Senator Grace Poe at Aga Muhlach samantalang pumanaw na ang mga pangunahin na bida, sina Fernando Poe, Jr. Amalia Fuentes at Eddie Garcia.
Nang gunitain ang centennial birthday ni Romero noong nakaraang buwan, pinasinayaan sa Dumaguete ang bust figure niya dahil ipinagmamalaki siya sa kanyang bayan na sinilangan.

Kinilala naman ni Senator Poe sa 100th birth anniversary ni Romero ang mga kontribusyon nito sa industriya ng pelikulang Pilipino sa pamamagitan ng isang tribute at pag-papaalaala sa mga kabataan na panoorin ang mga walang kamatayan na pelikula ng National Artist for Film tulad ng Aguila, Ganito Kami Noon, Paano Kayo Ngayon at Kamakalawa.
Read:
- National Artist for Film Eddie Romero dies at 88
- FDCP 2nd Parangal ng Sining, bubuhayin ang Golden Age of Philippine Cinema