Apat at hindi lamang dalawa ang transgender women na may dugong Filipino ang mahigpit na magkakatunggali para sa korona ng Miss International Queen 2024.
Ang Miss International Queen ang international beauty pageant para sa transgender women.
Read: Philippine bet Fuschia Anne Ravena crowned Miss International Queen 2022
Magaganap ang gabi ng koronasyon ng 20th edition ng Miss International Queen sa Tiffany’s Show, Pattaya, Thailand, sa Sabado, Agosto 24, 2024.
Si Sophia Nicole Arkanghel ang kinatawan ng Pilipinas sa Miss International Queen 2024.
Siya ang tumanggap ng special award na Miss Glamorous Face sa preliminary competition na idinaos din sa Tiffany Show noong Agosto 22, 2024.
Read: Sophia Nicole Arkanghel, kinoronahang Miss International Queen Philippines 2024
View this post on Instagram
HALF-FILIPINOS VYING FOR MISS INTERNATIONAL QUEEN 2024
Ang Filipino-American na si Kataluna Enriquez ng USA, ang Filipino-Canadian na si Adriana Fernandez ng Canada, at ang Filipino-Japanese na si Rin Tsuchiya ng Japan ang tatlo sa mga kandidatang may dugong Filipino na mahigpit na makakalaban ni Sophia Nicole para sa Miss International Queen 2024 title.

Si Kataluna ang unang transgender woman na lumaban sa Miss USA 2021 pero hindi pinalad na magwagi.
Naging kalahok din si Kataluna sa SuperSireyna Worldwide ng Eat Bulaga! noong 2018.
Hinihiling ni Sophia Nicole ang suporta at panalangin ng mga Filipino para maiuwi niya ang ikaapat na korona ng Miss International Queen.
Ang mga Pinay na nanalo sa international beauty pageant para sa mga transgender women ay sina Kevin Balot (2012), Trixie Maristela (2015), at Fuschia Anne Ravena (2022).
Kabilang sina Trixie at Fuschia sa mga miyembro ng selection committee ng Miss International Queen 2024, at hindi madali ang kanilang mga responsibilidad dahil apat sa mga kandidata ang may dugong Filipino.