PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Singer-actress, napuno na sa gay comedian na di pa bayad sa utang

Gay comedian, hindi pa rin nagbabayad sa inutangang singer-actress.
by Jojo Gabinete
Published Aug 22, 2024
blind item singer-actress gay comedian

Pinag-iingat ang mga taong nilalapitan ng isang gay comedian dahil nangungutang ito ng malaking halaga ng pera pero hindi marunong magbayad.

Isa sa mga biktima ng gay comedian ay ang singer-actress at television host.

Hindi na binayaran ng gay comedian ang utang nito sa kanya na nagkakahalaga ng PHP40,000.

Read: Yayamaning BF ng aktres, naghahagis ng PHP1K bills sa party

Hindi nagdalawang-isip ang singer-actress na tulungan ang gay showbiz personality dahil sa alibi nitong may sakit ang kanyang kapatid.

Nangako ang gay showbiz personality na ibabalik ang inutang na pera, pero hindi na niya sinasagot ang mga text message at tawag sa cellphone ng singer-actress.

Nang maramdaman ng singer-actress na niloko ito ng gay comedian, nagpadala siya ng mensahe na “Ipagdarasal ko na huwag mo na ito magawa sa iba. Maawa ka naman.”

Naalarma ang gay comedian sa mensaheng natanggap kaya sinabi niya sa singer-actress na magbabayad siya sa Agosto 20.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero hanggang ngayong araw, Agosto 22, hindi pa natutupad ang kanyang pangakong napako.

Read: Dating aktres, pilit binubura ang mapait na nakaraan

HINDI PA RIN NATUTUTO

Hindi lamang ang singer-actress ang inutangan ng gay showbiz personality dahil sinubukan din nitong hiraman ng pera ang mga empleyado ng isang TV network.

Ang sinabing dahilan ng gay showbiz personality ay gagamitin niya ang salapi sa Ethereum cryptocurrency.

Nanghihiram ang gay showbiz personality ng PHP30,000.

Nangako siyang ibabalik ang pera sa loob ng tatlong araw, pero PHP50,000 na ang halaga dahil kikita umano ng PHP20,000 ang kanyang inuutangan.

Dati nang nasangkot sa mga kasong hindi pagbabayad ng utang ang gay comedian kaya hindi siya pinaniwalaan at pinagkatiwalaan ng mga empleyado ng TV network na kanyang nilapitan para hingan ng tulong.

Ang inaasal ngayon ng gay comedian ang pruwebang hindi na ito natuto mula sa mapapait na karanasan.

Hindi na nagbago ang ugali niya kapag tungkol sa pera ang isyu kaya hindi masisisi ang mga taong pasong-paso sa kanya at nilalayuan siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Showbiz personality, totoong nagtangkang lumipat ng network

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results