PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Carlos Yulo, nagbigay ng mensahe sa kanyang pamilya

Carlos Yulo, binigyan ng gold jacket ni Willie Revillame.
by Jojo Gabinete
Published Aug 16, 2024
carlos yulo willie revillame wil to win
Carlos Yulo guests on Willie Revillame's TV5 show Wil To Win and was asked to give a message to his family: “Nagpapasalamat po ako na nandiyan sila, nakaantabay. Ipinagdarasal ako sa lahat ng mga ginagawa ko sa buhay. Naaalagaan hindi lang bilang atleta, bilang tao na rin po."
PHOTO/S: Wil To Win YouTube

Hindi na kinailangan ni Willie Revillame magsalita ng “Bigyan ng jacket yan!” dahil siya ang personal na nagbigay at nagsuot kay Carlos Yulo ng gold jacket na may logo ng kanyang programang Wil To Win at may pangalan ng two-time Olympic champion.

Bakas sa mukha ni Carlos ang kasiyahan habang isinusuot sa kanya ni Willie ang jacket na simbolo ng programa nito at pinag-aagawan ng mga taong sabik magkaroon ng souvenir na Wil To Win jacket.

Read: Carlos Yulo surprises 11-year-old gymnast fan in Eat Bulaga!

willie revillame carlos yulo wil to win
Willie Revillame gives two-time Paris Olympics Carlos Yulo a gold jacket
Photo/s: Wil To Win YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paulit-ulit na pinuri at pinasalamatan ni Willie si Carlos dahil sa karangalang inihatid nito sa Pilipinas.

Kasunod nito ang simple pero makahulugang tanong, “Sino ang inspirasyon mo sa buhay?”

Malumanay ang boses na sagot ni Carlos, “Unang-una po, si Lord, grabe po yung ibinigay Niya na talento, lakas, guidance.

"And sobrang blessed po ako through all out the game saka sa mga naranasan ko sa buhay. Palagi Siyang nandiyan.

Family, siyempre yung partner ko na palaging… grabe, yung well-being ko and mental health na nasusuportahan ako sa lahat.

"Siyempre, si Ma’am Cynthia [Carrion] po na president po namin na itinaguyod po niya talaga yung gymnastics sa Pilipinas. Sobrang thankful po ako sa kanya.”

Tila naging maingat sa pagsasalita si Carlos dahil hindi nito binanggit ang pangalan ng kanyang mga magulang at ng girlfriend niyang si Chloe San Jose, na sentro ng mga kontrobersiya nitong mga nakaraang araw mula nang manalo siya ng dalawang medalyang ginto sa Paris Olympics.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Carlos Yulo breaks silence on money issue with his mother

CARLOS YULO'S MESSAGE TO HIS FAMILY

Malumanay at maingat pa rin ang pagsasalita ni Carlos nang sabihin ni Willie na, “Medyo alam ko may mga pinagdadaanan ka, nakapag-usap kami kanina sa backstage.

"Sabi ko, masarap yung buo ang lahat at, siyempre, yung mga mahal mo sa buhay, nandiyan sa yo.

"Ano ang gusto mong sabihin sa mga mahal sa buhay?"

Read: Carlos Yulo acknowledges father's presence at homecoming parade

Mensahe ni Carlos: “Nagpapasalamat po ako na nandiyan sila, nakaantabay. Ipinagdarasal ako sa lahat ng mga ginagawa ko sa buhay.

"Naaalagaan hindi lang bilang atleta, bilang tao na rin po.

“Wala po akong masabi kundi pasasalamat. Thank you sa pagmamahal na ibinibigay nila sa akin.

"Hindi ko po alam, ito po yung naging resulta ng pagsusuporta nila. Maraming salamat po.”

Napansin ni Willie ang mga simple na sagot ni Carlos kaya komento ng TV host, “Simple siyang magsalita.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kasunod nito ang biro na, “Parang madamot siyang magsalita. A man of few words.”

Read: Ama ni Carlos Yulo, kasama sa mga nag-abang sa parada ng anak

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Carlos Yulo guests on Willie Revillame's TV5 show Wil To Win and was asked to give a message to his family: “Nagpapasalamat po ako na nandiyan sila, nakaantabay. Ipinagdarasal ako sa lahat ng mga ginagawa ko sa buhay. Naaalagaan hindi lang bilang atleta, bilang tao na rin po."
PHOTO/S: Wil To Win YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results