“Uhm, hindi na muna. Focus muna ako kay Jude.”
Ito ang sagot ni Markus Paterson nang tanungin kung handa na ba siyang magmahal muli.
Ang "Jude" na tinutukoy niya ay ang anak nila ng dating karelasyong si Janella Salvador.
Noong Setyembre 2022, kinumpirma ni Markus ang breakup nila ni Janella.
Read: Janella Salvador, Markus Paterson together for Jude's 3rd birthday
Ano ang mga pagbabago sa buhay niya mula nang maging tatay siya?
Sagot ni Markus, “Ang daming nagbago sa akin ever since I became a dad. He’s turning four this year so it’s weird, time flies.
“Alam naman natin, the main goal is longevity, so the best way to do it just take it as it comes.
"Kapag may mga problema, just cross that bridge when you get to it. Just live the moment, be present.
"Don’t worry about the future, ikaw ang mahihirapan."
Read: Markus Paterson makes the most of son Jude's malambing ways
MARKUS PATERSON TAKES ON GAY ROLE
Mula nang magkaroon siya ng anak, naging maingat na si Markus sa pagtanggap ng mga karakter na gagampanan.
Pero hindi siya nagdalawang-isip bigyan ng buhay ang gay role sa Pretty Boys at gawin ang mga kissing scene sa kapwa-lalake.
“I’d like to think of myself as an actor and I don’t like to turn down roles," pahayag ni Markus sa panayam ng Cabinet Files sa media conference ng Pretty Boys nitong Huwebes, August 15, 2024.
"You can’t grow as an actor if you don’t challenge yourself, if you don’t push yourself to think outside the box.
“Ayoko lang ma-trap, ma-typecast or whatever. Lahat ng roles, I accept.
"And this was a really fun role, a great script, a great director, great actors. Sobrang nag-enjoy ako.”
Read: Markus Paterson on Janella Salvador: "She's the best relationship I've had."
MARKUS ON PLAN TO GO TO MILITARY
Nagulat at nagtaka si Markus dahil alam ng entertainment press ang kuwento tungkol sa muntik na hindi niya pagbalik sa Pilipinas dahil pumasok sa kanyang isip maglingkod bilang sundalo sa United Kingdom.
“It was true,” pag-amin ni Markus.
“I feel like yung tatay ko kasi is getting a bit older and I am a family-oriented person kaya parang these last years of his life, I want to spend with him and with my family sa UK.
“Inisip ko yon pero, of course, nandito rin [sa Pilipinas] ang anak ko. So, work first and family at the same time.
"Ang hirap kasi mag-balance ng both priorities, di ba? I did consider it and I’m still considering it."
Iginiit ni Markus na hindi nito inisip talikuran ang showbiz dahil gusto lamang niyang magkaroon ng balanse ang kanyang buhay sa UK at sa Pilipinas.
Ang Pretty Boys ay Vivamax Plus original series mula sa direksiyon ni Ivan Andrew Payawal.
Pinagbibidahan din ito nina Tommy Alejandrino at Kiel Aguilar.
