PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Senator Bong Revilla, naniniwala sa akusasyon ni Sandro Muhlach

Revilla asks Jojo Nones, "Ibig mong sabihin, nagsisinungaling si Sandro?"
by Jojo Gabinete
Published Aug 12, 2024
bong revilla jojo nones dode cruz senate hearing
Senator Bong Revilla (left) to Jojo Nones (center) and Dode Cruz (right): “I saw him personally the next day [the incident happened]. The guy is really shaking. Masyadong apektado siya. Talagang na-trauma yung bata, e. Kapag ang bata, ganun ang reaksiyon, me, personally, nakita ng dalawang mata ko."
PHOTO/S: Facebook

Naging kaugalian ng mga Pilipinong akusado o nasasangkot sa mga kaso ang magsuot ng damit na kulay puti dahil isa ito sa mga paraan ng pagsasabi nilang inosente sila sa mga paratang laban sa kanila.

Ang kulay puti ay simbolo ng kawalang malay (innocence) at kadalisayan (purity).

Parehong kulay puti ang mga kasuotan ng GMA-7 independent contractors na sina Jojo Nones at Richard "Dode" Cruz nang humarap sila sa Senado nitong Lunes ng hapon, Agosto 12, 2024.

Kaugnay ito ng pagpapatuloy ng imbestigasyon ng Senate Committee on Public Information and Mass Media, na pinamumunuan ni Senator Robin Padilla, tungkol sa reklamong sexual harassment ng Sparkle artist na si Sandro Muhlach laban kina Nones at Cruz.

Lalong umingay ang usapin nang diretsahang itanggi nina Nones at Cruz ang mga bintang ni Sandro laban sa kanila.

Bahagi ng kanilang pahayag: "...hindi po kami gumawa ng anumang sexual harassment or abuse laban kay Sandro Muhlach.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sa pagkakataong ito, sa harap ninyong lahat, mariin pong itinatanggi namin ang lahat ng mapanirang akusasyon na ito laban sa amin."

Read: Jojo Nones, Dode Cruz deny allegations of Sandro Muhlach

Naghatid ng kalituhan sa ilang manonood ang mga pahayag nina Cruz at Nones.

Kung paniniwalaan ang kanilang mga salaysay, lumalabas na gumawa lamang ng kuwento si Sandro.

Jojo Nones, Richard Cruz denies allegations of Sandro Muhlach
Dode Cruz (left) and Jojo Nones (right)
Photo/s: Screengrab Senate of the Philippines Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naninindigan naman ang ama ni Sandro na si Niño, na present din sa pagdinig kanina, na nagsasabi ng katotohanan ang kanyang anak.

Read: Niño Muhlach gets emotional at Senate hearing on son's ordeal

Pinandigan din ng dating Child Wonder ang nauna niyang pahayag na umiiyak na nag-apologize sa kanya sina Nones at Cruz, taliwas sa pahayag ng legal counsel ng dalawa na walang ganung nangyari.

Read: Jojo Nones at Dode Cruz, itinangging nag-apologize sila kay Niño

SENATOR BONG REVILLA BELIEVES SANDRO MUHLACH'S STORY

Present kanina sa pagdinig sa Senado si Senator Bong Revilla.

Personal na kilala ni Revilla si Nones dahil ito ang creative consultant ng pinagbibidahang comedy-action series ng actor-politician sa GMA-7, ang Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.

Tampok din sa cast ang ama ni Sandro na si Niño.

Tanong ni Revilla kay Nones, “So, Jojo, ibig mong sabihin, nagsisinungaling si Sandro?

“I saw him personally the next day [the incident happened]. The guy is really shaking. Masyadong apektado siya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Talagang na-trauma yung bata, e. Kapag ang bata, ganun ang reaksiyon, me, personally, nakita ng dalawang mata ko.

"Kilala din kita, kasama ka namin sa project. Ang sa akin lang, siyempre dun lang tayo maninindigan sa tama."

Read: GMA-7 names "independent contractors" in Sandro Muhlach incident

Pagpapatuloy ni Revilla, "It’s so unfair. Si Niño pa? You know Niño.

“Hindi na ang usapin dito yung issue about you. Issue about the Muhlachs or Sandro. Ang isyu dito ngayon, yung pangkalahatan.

“We want to avoid this, yung ganito mangyari muli. Ang daming lumalabas na nagpuputukan, iba’t ibang istasyon. Itong mga naaabuso, ganito, ganyan.

“Yun ang iniiwasan natin.

"Ang lalabas dito ngayon, he said that… ganito… ganoon."

Lumantad kamakailan ang isang lalaking dating researcher ng News & Current Affairs ng TV5 na inaakusahan din ng sexual harassment ang isang program manager ng Kapatid network.

Read: Talent accuses TV5 program manager of sexual harassment

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi pa ni Revilla, “So we leave it to the committee kung anuman yung magiging desisyon ninyo.

"Basta tandaan ninyo, hindi kami namemersonal dito.

“Yung sa atin lang, in aid of legislation para ma-avoid natin at maiwasan na yung mga ganyang pangyayari."

Ngunit sa huli ay diretsahang sinabi ng senador, base sa kanyang nakita, na nagsasabi ng totoo si Sandro.

"Pero sa totoo lang, me, personally, nakita ko yung bata. Nanginginig siya.

"Sa mata ko, totoo yung sinasabi niya," pahayag ni Revilla.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Senator Bong Revilla (left) to Jojo Nones (center) and Dode Cruz (right): “I saw him personally the next day [the incident happened]. The guy is really shaking. Masyadong apektado siya. Talagang na-trauma yung bata, e. Kapag ang bata, ganun ang reaksiyon, me, personally, nakita ng dalawang mata ko."
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results