Kabilang ang 26-year-old singer-actor na si Ryo Nagatsuka sa mga pinasalamatan ni Dennis Trillo dahil ito ang nagturo sa kanya ng pagsasalita ng Japanese language sa Pulang Araw, ang primetime war-drama series ng GMA-7.
Dahil dito, mahusay na nagampanan ni Dennis ang karakter niya bilang Japanese imperial army officer na si Col. Yuta Saitoh.
Read: Dennis Trillo elated about villain role in Pulang Araw
Sa naganap na press conference ng Kapuso network para kay Dennis, sinabi ng aktor na mahirap gampanan ang karakter ng ibang lahi at malaking tulong si Ryo.
Kaya hiniling niyang palakpakan ng mga reporter ang Japanese singer-actor na miyembro ng Skygarden, ang Philippine-based Japanese trio.

HOW DID RYO BECOME DENNIS'S TUTOR?
Nagkaroon ng oportunidad ang Cabinet Files na makapanayam si Ryo dahil sa tulong ng kanyang manager na si Ruby Cuevas.
Nakipag-ugnayan kay Ruby ang program manager ng Pulang Araw nang maghanap sila ng Hapon na magtuturo at gagabay kay Dennis sa pagsasalita ng Japanese language para sa karakter ng aktor sa Pulang Araw.
Si Ryo ang kanyang inirekomenda.
Bukod sa pagtuturo kay Dennis ng Japanese language, binigyan si Ryo ng magandang papel sa Pulang Araw.
Read: Pulang Araw, No. 1 agad sa Netflix isang araw matapos mag-stream
Ayon kay Ryo, umpisa ito ng katuparan ng kanyang pangarap maging aktor.
“Pangarap ko po talagang maging artista nung bata pa po ako,” matatas sa wikang Pilipino na pahayag ni Ryo sa Cabinet Files.
“Pursuing a career in entertainment in the Philippines is something I take very seriously po.
"Ang daming po challenges, but I am passionate about pursuing this path and contributing to the culture and entertainment scene in the Philippines.
“As half-Japanese half-Filipino, I would like to be the middle man or bridge between Japan and the Philippines.
“Two years of working in a Japanese company made me realize that I want to pursue my passion — to be an actor and singer.
“After two years, I resigned from my job and started as a content creator.”
Read: Rhian Ramos shines in Pulang Araw pilot episode
Mula nang mabigyan siya ng karakter sa Pulang Araw at bilang Japanese language tutor ni Dennis, madalas silang nagkakasama sa mga taping.
Pero hindi raw sinasabi ni Ryo sa Kapuso actor ang kanyang lihim na ambisyong maging artista sa Pilipinas.
“Hindi ko po sinabi!” natatawang sabi ni Ryo.
“Gusto ko sabihin someday, pero I wanna focus on my job as his Japanese coach. Saka, nakakahiya po na sabihin.”
Kumusta si Dennis bilang estudyante ng Japanese language?
Ayon kay Ryo, “Working with Sir Dennis is incredible. When I first met him, I was shocked by his professionalism.
"He study and practices a lot. He even asked his Tagalog lines to be translated in Japanese.
“The difficult part of acting Japanese is the tonality. Pero si Sir Dennis, he understands the tone quickly with just two to three rounds of practicing.”