PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pamilya ni Sandro Muhlach, dumulog na sa ahensiya ng pamahalaan

Isyu ni Mark Anthony Fernandez, biglang natabunan dahil sa isyu ni Sandro.
by Jojo Gabinete
Published Aug 1, 2024
nino sandro muhlach fast talk
The eldest son of former Child Wonder Nino Muhlach (left), Sandro Muhlach (right), is now embroiled in a controversy after allegedly being a victim of abuse from the hands of two program executives.
PHOTO/S: GMA Network

Dalawang panganay na anak ng Philippine showbiz icon ang magkasunod na nasangkot sa malaking kontrobersiyang pumukaw nang husto sa kamalayan ng publiko.

Una, ang pagkalat ng alleged private videos ni Mark Anthony Fernandez, anak ng yumaong action star na si Rudy Fernandez sa actress-politician na si Alma Moreno.

Read: Mark Anthony Fernandez tahimik lang sa sariling kontrobersya

At pangalawa, ang pinag-uusapan ngayong pang-aabuso umano kay Sandro Muhlach, anak ng former Child Wonder na si Niño Muhlach.

Read: Nino Muhlach, sino ang pinatatamaan sa cryptic post?

Hindi pa naglalabas ng opisyal na pahayag si Sandro at ang pamilya nito tungkol sa isyung kanyang kinasasangkutan.

Pero ang mga social media post ng mga kamag-anak niyang humihingi ng katarungan ang matibay na basehan ng katotohanan sa balitang biktima ng karahasan si Sandro.

Dahil sa isyu ni Sando, saglit na natabunan ang kontrobersiya tungkol kay Mark.

Read: Muhlach family declares war amid controversial issue

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

MUHLACH'S QUEST FOR JUSTICE

Inaabangan ang pagsisimula ng imbestigasyon sa kaso ni Sandro dahil sa impormasyong dumulog na siya at ang kanyang pamilya sa isang ahensiya ng pamahalaan.

Reportedly, nagpaabot na rin ng mensahe ng pagtulong sa pamilya Muhlach ang mga mambabatas na may kaugnayan sa showbiz na labis na nabahala sa nangyari sa 23-year-old actor.

Si Senator Ramon "Bong" Revilla Jr. ang isa sa malapit na kaibigan ni Niño. Magkasama sila sa Kapuso action-comedy series na Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.

Inaasahan at pinaniniwalaang tutulungan ni Bong si Niño at ang anak nito sa malaking pagsubok na kinakaharap ngayon ng mag-ama, pero hindi pa nagbibigay ng pahayag ang senador.

Coincidentally, may kaugnayan sa show nina Bong at Niño, na magkakaroon ng Season 3 sa Disyembre 2024, ang isa sa mga akusado sa pang-aabuso kay Sandro.

THE INCIDENT

Ayon sa mga ulat na lumabas, si Sandro ang tinutukoy na "artist" na biktima umano ng pang-aabuso ng dalawang "independent contractors" ng GMA Network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May mga netizen na hayagang binanggit ang mga pangalan ng dalawang pinaghihinalaan, na parehong program executives, ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin silang opisyal na pahayag tungkol sa akusasyon laban sa kanila.

Read: Newbie actor, muntik nang maging "midnight snack" ng TV execs

Trivia: Limang taon ang edad ni Niño Muhlach nang una nitong makatrabaho si Rudy Fernandez sa pelikulang Bongbong, na ipinalabas sa mga sinehan noong Oktubre 8, 1976.

bong bong poster
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The eldest son of former Child Wonder Nino Muhlach (left), Sandro Muhlach (right), is now embroiled in a controversy after allegedly being a victim of abuse from the hands of two program executives.
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results