PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kapuso artist, sumasailalim sa psychological treatment

Isa sa independent contractors, itinanggi ang matinding paratang.
by Jojo Gabinete
Published Jul 30, 2024
blind item about star undergoing psychological treatment
PHOTO/S: PNGITEM

Deactivated na ang social media accounts ng dalawang "independent contractors" ng GMA-7 na inaakusahan ng seksuwal na pang-aabuso sa "artist" ng network.

Pero nananatiling popular search sa mga social media platform ang mga pangalan ng tatlo ngayong Martes ng gabi, Hulyo 30, 2024.

Ito ay kahit wala pang kumpirmasyon kung sila nga ba ang sangkot sa maselang isyung ito.

Read: GMA-7 issues statement on issue involving artist, independent contractors

Isa sa mga nasasangkot sa usaping ito ang nakausap ng isang source ng Cabinet Files. Diumano, itinanggi niya ang mabigat na paratang ng "artist."

Ang pagkakadawit ng "independent contractors" sa pinag-uusapang kontrobersiya ang puno’t dulo ng kaliwa’t kanang paghuhusga at mga batikos laban sa kanila.

Ito ay kahit hindi pa naririnig ng publiko ang mga panig nila tungkol sa insidenteng nangyari umano sa isang hotel matapos idaos ang engrandeng pagtitipon ng GMA Network kamakailan.

Ang "independent contractors" ay itinuturing na talent, hindi empleyado. Binabayaran sila para sa serbisyong ibinibigay nila kada proyekto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Newbie actor, muntik nang maging "midnight snack" ng dalawang TV execs

TRAUMATIC EXPERIENCE

Samantala, ang "artist" na tinutukoy sa kontrobersiyang ito ay anak ng isang beteranong aktor.

Napag-alaman ng Cabinet Files mula sa kampo ng "artist" na dahil sa matinding trauma na naranasan nito, sumasailalim siya ngayon sa psychological treatment.

Mahalaga ito at malaking tulong para mabawasan ang pinsala sa kanyang mental health.

Hindi pa naglalabas ng opisyal na pahayag ang "artist" at ang pamilya nito.

Ngunit dapat hintayin o abangan ng publiko ang opisyal nitong pahayag para maiwasan ang pagkalat ng mga maling balita na nagdudulot lamang ng kaguluhan at pagkalito ng publiko tungkol sa tunay na isyu.

Hindi rin makatutulong sa mabilis na paggaling ng trauma ng aktor — na nangangailangan ngayon ng pang-unawa, pagmamahal, at suporta — ang mga maling balita na lalong nagpapalala sa kaso at sa kanyang pakiramdam.

Sa mga susunod na araw ay inaasahang lalantad at magsasalita na ang "artist" tungkol sa masamang karanasan niya sa kamay ng dalawang taong pinagkatiwalaan niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dito makukumpirma kung ang mga pangalang kumakalat ngayon sa social media ang tunay na mga sangkot sa pinag-uusapang isyu.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: PNGITEM
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results