PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Andrea, ipinaglalaban na ang pagiging fangirl ng Korean celebs

Andrea Brillantes, pinaghahandaan ang fan meet ni Kim Ji-won.
by Jojo Gabinete
Published Jul 29, 2024
andrea brillantes fan girl
Andrea Brillantes on being a fangirl: “Tinanggap ko na po yung pagiging fangirl ko. Dati, I experienced a lot of backlash when I was a teenager, parang 13 or 14, because of nag-express ako ng pagmamahal, ng pagiging fan ng isang K-pop group. In-attack ako noon nang todong-todo... So, ever since then, naging quiet fan na ako."
PHOTO/S: @blythe on Instagram

“Ang lalaki lang sa life ko ngayon, si Papa God, and I think yun ang nakikita ninyo ngayon sa akin na glow.”

Ito ang maagap na reaksiyon ni Andrea Brillantes sa obserbasyon ng entertainment press na maaaring may special someone siya kaya kapansin-pansin ang kasalukuyang taglay niyang kagandahan.

“Baka bagay sa akin ang Korean make-up? Ako kasi nagme-makeup sa sarili ako,” dagdag na pahayag ni Andrea.

Read: Andrea Brillantes opens up to American singer Sabrina Carpenter about guy who "kind of ruined my reputation"

ANDREA BRILLANTES ON FANGIRLING OVER K-DRAMA STARS

Nahuhumaling si Andrea Brillantes sa pagdalo sa mga fan meet ng kanyang hinahangaang K-drama stars.

Ang fan gathering ng Korean actress na si Kim Ji-won (Queen of Tears) sa New Frontier Theater sa Agosto 3, 2024 ang pinaghahandaan ni Andrea.

kim ji-won manila fan meet
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ito ay matapos niyang dumalo sa fan meet ni Kim Soo-hyun na ginanap sa Smart Araneta Coliseum noong Hunyo 29, 2024.

Napansin nang husto si Andrea sa fan meet ni Kim Soo-hyun dahil sa kanyang wedding gown outfit kaya pinag-iisipan niya nang husto ang isusuot na damit sa nalalapit na fan meet ni Kim Ji-won.

andrea brillantes kim soo-hyun fan meet
Andrea Brillantes's wears a wedding dress at Kim Soo-hyun's fan meet.
Photo/s: Andrea Brillantes Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sina Kim Soo-hyun at Kim Ji-won ay magkapareha sa hit K-drama na Queen of Tears.

“Ayokong i-jinx,” sagot ni Andrea nang tanungin tungkol sa outfit nito para sa pinakahihintay niyang pagtitipon ng mga tagahanga ni Kim Ji-won.

Depende po. Ang dami niyang outfit, e. So, mamimili pa ako,” sabi pa ng 21-year-old actress.

Read: Andrea Brillantes trends on Twitter for her take on Taylor Swift's French fries costume

ANDREA BASHED FOR BEING A FANGIRL

Naranasan ni Andrea maging biktima ng mga batikos noong teenager pa siya dahil sa fangirl attitude niya.

Read: BLACKPINK helps Andrea Brillantes with her "promposal" to Ricci Rivero

Pero aniya, “Tinanggap ko na po yung pagiging fangirl ko. Dati, I experienced a lot of backlash when I was a teenager, parang 13 or 14, because of nag-express ako ng pagmamahal, ng pagiging fan ng isang K-pop group.

“In-attack ako noon nang todong-todo. Ayoko nang sabihin [ang pangalan ng group] kasi baka lalong magalit ang fans nila.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Basta, it’s a big boy group but fan talaga ako. Nagpupuyat ako, nagbo-vote ako.

“May isang video akong kinakanta ko lang ang song nila tapos super na na-bash ako. So, ever since then, naging quiet fan na ako.

“Minsan, kita pa rin, like yung sa BLACKPINK, pero tina-try ko talaga ang best ko na huwag mag-share ng fangirl moments ko.

"Kasi bago pa ako naging artista, fangirl na talaga ako. Sobra, as in tumitili ako sa mga artista na nakakasama ko.

“Fangirl talaga ako kahit sa local stars natin bago pa ako nag-enter ng showbiz.

"Meron po akong album nung bata ako, album ng lahat ng mga nakasama kong artista.”

May kakayahan na si Andrea na gastusan ang pagiging fangirl niya dahil kumikita na siya ng pera mula sa kanyang showbiz earnings.

Ipinaglalaban na rin niya ang mga karapatan bilang fangirl kaya kakampi na ang trato sa kanya ng ibang mga tagahanga ng mga Korean celebrity.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Twenty-one na ako ngayon so medyo palaban na ako sa mga mahal ko. Mas kaya ko nang ipaglaban yung mga mahal ko ngayon,” katuwiran ni Andrea.

“Thankful na ako ngayon dahil mas gentle na sila [bashers] sa akin. Mas tinitingnan nila ako ngayon na kakampi.'"

Read: Ricci Rivero defends girlfriend Andrea Brillantes from bashers after her promposal at BLACKPINK concert

ANDREA BLOCKS OFF SCHEDULE FOR FAN MEETS

Ginagawa ni Andrea ang lahat ng paraan kapag gusto niyang maging bahagi ng mga fan meet ng kanyang mga hinahangaang K-drama stars gaya ni Kim Soo-hyun.

“Ipina-block off ko na po yun talaga. Pina-block off ko kaagad nung malaman ko na merong fan meet.

"Nalaman ko yon, nasa taping ako, tapos bigla na lang akong umiyak,” rebelasyon ni Andrea nang malaman nitong magkakaroon ng fan meet sa Pilipinas si Kim Soo-hyun.

Pagpapatuloy niya, “Sabi ko, ‘Ohhh, meron siyang fan meet.’

“Ngayon, mas libre na ako, mas kaya kong [bumili ng tickets], so ipina-block off ko na ang schedule.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nagme-message po talaga ako sa mga producer namin, ‘Ate, ito po. Please po. Pupunta ako.’

“Buti na lang, hindi araw ng taping nangyayari yung fan meet. Pero kapag sakaling nagkaroon ng ganoon, nakikiusap talaga ako.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Andrea Brillantes on being a fangirl: “Tinanggap ko na po yung pagiging fangirl ko. Dati, I experienced a lot of backlash when I was a teenager, parang 13 or 14, because of nag-express ako ng pagmamahal, ng pagiging fan ng isang K-pop group. In-attack ako noon nang todong-todo... So, ever since then, naging quiet fan na ako."
PHOTO/S: @blythe on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results