"Vivamax Emperor" ang bansag kay Mark Anthony Fernandez.

Dahil sa mga aktor na kanyang kaedad, siya ang may pinakamaraming bilang ng mga pelikula na ginawa at pinagbidahan para sa nabanggit na Filipino streaming site na sikat sa iba’t ibang bansa at hindi lamang sa Pilipinas.
Read:
Mark Anthony Fernandez, "binasted" ng Vivamax star
Mark Anthony, feeling nadaya kaya wala pang acting award
MARK, DUMAMI ANG SOCIAL MEDIA FOLLOWERS
Mula nang masangkot si Mark sa isang kontrobersya na nag-umpisa noong nakaraang Martes, Hulyo 22, 2024, nadagdagan ang bilang ng kanyang social media followers.
Siya ang pinag-uusapan sa mga social media platform. Pinagpapasa-pasahan din ang mga video clip na nagmula sa mga eksena ng kanyang mga nakaraang proyekto sa Vivamax.
Nananatiling tahimik si Mark tungkol sa literal na mainit na isyu na kinasasangkutan niya.
MARK, DEDMA LANG SA KONTROBERSYA NIYA?
Tila hindi apektado si Mark dahil nag-post pa siya sa kanyang Facebook page ng isang eksena nila ni Angeli Khang mula sa Vivamax movie na Ganti-Ganti na may caption na “Manyakis si sir.”
Ibinahagi rin ni Mark ang mga video ng paglalaro nito ng basketball at ang pagpa-facial niya na indikasyon na tuloy ang normal na takbo ng kanyang buhay at hindi siya nagpapaapekto sa kontrobersya na kinasasangkutan.
Mga positibo ang mga reaksyon at komento ng mga nabulabog at tuwang-tuwa na mga Pilipino sa isyu na iniuugnay kay Mark.
Read:
Mark Anthony Fernandez, pinuri sa magandang pangangatawan
MARK, MAY KARAPATANG KASUHAN ANG MGA NAG-SHARE NG VIDEO NIYA
Isang matibay na ebidensya ito ng pagsasawalang-bahala nila sa batas—ang Republic Act No. 9995, ang Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009.
Ang Republic Act No. 9995 ang batas tungkol sa pagpaparusa sa krimen ng photo and video voyeurism sa Pilipinas.
Ipinagbabawal sa naturang batas ang pagkuha at pagbabahagi ng mga larawan o video, lalo na kung mga pribado at walang pahintulot mula sa mga tao na sangkot.
Nahaharap sa pagkakakulong ng tatlo hanggang pitong taon at multa na PHP100,000 hanggang PHP500,000 ang sinumang mapapatunayan na lumabag sa Republic Act. No.9995.
Layunin ng batas na protektahan ang dignidad at privacy ng tao at parusahan ang anumang gawain na sumisira sa kanilang karangalan.
Kaya may karapatan si Mark na maghain ng reklamo at ang ibang mga biktima, mga kilalang personalidad man na itinuturing na public property o mga ordinaryong mamamayang Pilipino.