Ang pagpapakilala kina Gab Lagman at Wilbert Ross bilang mga bida sa university at youth-oriented series na Chasing in the Wild ang hudyat ng paghinto nila ng paggawa ng sexy movies sa Vivamax.
Nagpaseksi lamang si Gab sa Bula pero hindi na ito nasundan pa dahil nagpasya ang mga namamahala sa showbiz career niyang wholesome roles na ang kanyang gagampanan.
Read: Gab Lagman, nabigla nang hubaran ng underwear ni Ayanna Misola
“For now naman po, me and the management talked about this na we should focus on university series.
"But, of course, we’re not closing the door to do movies like that. Pero as of now, we want to focus on being Sevi Camero,” paliwanag ni Gab tungkol sa pagbabago ng kanyang career path.
Si Wilbert ang may pinakamaraming sexy movies na ginawa para sa Vivamax, pero tinalikuran na rin niya ang pagtanggap ng daring roles.
Bukod sa reinvention sa kanya bilang wholesome actor, pinagtutuunang mabuti ni Wilbert ng atensiyon ang singing career niya.
Gaya ni Gab, may paliwanag si Wilbert sa kanyang desisyong kalimutan na ang pagpapaseksi sa pelikula, mahigit isang taon na ang nakararaan.
Read: Wilbert Ross, umpisa na ng rebranding; titigil na sa paghuhubad sa Vivamax
Lahad ni Wilbert: “Management mismo yung nag-decide for me to stop nga sa Vivamax and mag-focus sa wholesome.
“Medyo [relief] kasi merong bigat. Hindi po talaga madali to do things like sex scenes, lalo na parang wholesome naman ako sa totoong buhay.
“Hindi po siya madali talaga. Nakakapagod siya sa katawan, sa utak.
"Dito po sa mga wholesome na project, medyo mas magaan na po siguro in terms sa work na ginagawa."

CHASING IN THE WILD
Mapapanood ang Chasing in the Wild sa Viva One streaming site simula sa Agosto 16, 2024.
Dahil nagkasama na sila sa ibang mga proyekto, may chemistry na sina Wilbert at Gab.
Kuwento ni Wilbert, “Actually, nag-start na kaming mag-shoot, okay naman.
"Okay naman yung chemistry namin ni Gab kasi magkaibigan na kami, so medyo magaan."
Pagsegunda ni Gab, “We’ve done a lot of workshops for the past few months and we’ve been waiting for this for a long time.
"And sobrang na-enjoy namin ‘yung ginawa namin."
Si Hyacinth Callado ang kapareha ni Gab sa Chasing in the Wild.
Sa official poster reveal na ginanap nitong Biyernes sa Viva Café ng tanghali, Hulyo 26, 2024, sinuportahan sila ng kanilang mga UniverKada na kinabibilangan nina Marco Gallo, Heaven Peralejo, Aubrey Caraan, Krissha Viaje, Jairus Aquino, Nicole Omillo, at Bea Binene.
Si Thop Nazareno ang direktor ng Chasing in the Wild at cast member din ng proyekto si Anjo Yllana.
View this post on Instagram