Ang lead vocalist ng SB19 na si John Paulo Nase, na mas kilala sa tawag na Pablo at Pinuno, ang hinuhulaan ng karamihan na bagong coach ng The Voice Kids Philippines.
Base ito sa teaser na inilabas sa official Instagram page ng upcoming reality talent competition ng GMA-7 nitong Huwebes ng hapon, Hulyo 25, 2024.
Read: Vocalmyx: The Voice Generations PH's first grand winner
“Playtime is over! Get ready to welcome the newest SUPERSTAR COACH!” caption sa larawan ng mystery coach na buhok at kamay lamang ang makikita sa Instagram account ng The Voice Kids Philippines.
View this post on Instagram
Inaasahang opisyal na iaanunsiyo sa concert nina Julie Anne San Jose at Stell sa New Frontier Theater, sa Hulyo 27, ang katauhan ng makakasama nila bilang coach ng The Voice Kids Philippines.
Naumpisahan na ang taping ng blind auditions para sa mga kabataang nangangarap makasali sa The Voice Kids Philippines kaya nagkita-kita na sina Julie Anne, Stell, Billy Crawford, at ang bagong coach ng nabanggit na programa.
Read: 'The Voice Generations' director Mr. M surprised by Stell Ajero's presence: "Talbog ako."
Si Dingdong Dantes ang host ng The Voice Kids Philippines.
Siya rin ang dating host ng The Voice Generations na napanood sa Kapuso Network mula Agosto 27, 2023 hanggang Disyembre 10, 2023.
THE NEW COACH
Kabilang si Chito Miranda sa mga orihinal na coach ng The Voice Generations.
Ang ipakikilalang bagong coach ng The Voice Kids ang ipinalit sa kanya.
Unang inilabas ng PEP.ph noong Hulyo 10, 2024 ang ulat na miyembro ng sikat na grupo at mas bata ang bagong coach ng isang talent competition show na ipapalit sa dating mentor.
Read: Member ng isang sikat ng grupo, papalitan ang isang hurado ng reality talent show
Noon pa man, si Pablo ng SB19 ang hula ng nakararami na nagpahayag ng galak dahil makakasama niya si Stell.
Magsisimulang mapanood ang The Voice Kids sa GMA-7 sa Setyembre 2024.