PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

K-drama ni Rain na sa Pilipinas ang setting, hindi makatotohanan

Rain at Kim Ha-neul, halatang hindi talaga nag-shooting sa Pilipinas.
by Jojo Gabinete
Published Jul 25, 2024
kang ha neul rain red swan
Kim Ha Neul and Rain star in the Disney+ K-drama series Red Swan, where part of the story's setting is in the Philippines.

Ang hindi makatotohanang paggamit sa Maynila ang reklamo ng ilang Pilipinong sumusubaybay sa Red Swan, ang South Korean drama series na napapanood sa Disney+ streaming channel mula pa noong Hulyo 6, 2024.

Mabigat din sa kanilang kalooban na ginamit ang Maynila na lugar para pagsasalarawan sa assassination attempt ng terrorist group na ISIS sa lead actress ng serye.

Read: K-drama actor Kim Ji Soo joins Ruru Madrid’s Black Rider

Bida sa Red Swan ang South Korean superstar na si Rain at co-stars niya sina Kim Ha-neul at Jung Gyu-woon.

red swan poster
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ginagampanan ni Rain ang karakter ni Seo Do-yoon, dating pulis na nagbabakasyon sa Maynila at naging bodyguard ni Oh Wan-soo (Kim Ha-neul) matapos niyang iniligtas ang buhay nito dahil tinangkang patayin ng mga miyembro ng ISIS nang magpunta sa Makati shopping district.

Ipinakita sa exterior shots sa unang kabanata ng Red Swan ang mga eksenang kuha sa Pilipinas tulad ng Pasig River, City of Dreams at ibang mga business establishment sa Asia City World, Parañaque City.

Read: Pinoy casting coordinator, may mga kuwento tungkol sa shooting ng A Killer Paradox sa Pilipinas

manila philippines red swan
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOT REALLY SHOT IN THE PHILIPPINES?

Malinaw na dinaya lamang ang mga eksena sa Pilipinas dahil kinunan sa ibang bansa ang mga eksena nina Rain, Kim Ha-neul at ng kanilang co-stars na pinalabas sa kuwento na nagpunta lahat sa Pilipinas.

Nang mapanood ng ilang Pilipino ang unang kabanata ng Red Swan, alam agad nila ang panlilinlang na nangyari at daya lamang ang mga eksena, tulad ng pagkikita ng mga karakter nina Rain at Kim Ha-neul sa Makati shopping district.

Halatang-halatang nag-shooting ang mga artista ng Red Swan sa ibang bansa at hindi sa Makati City.

Bukod kasi sa mga hindi pamilyar na building, mga foreigner ang mga makikita na naglalakad sa paligid at mga Korean ang gumanap na staff ng City of Dreams sa mga interior shot.

Read: Kim Seon Ho talks about his acting process; admits he goes undercover for some me-time

Siguradong-sigurado ang mga Pinoy na tagahanga ng Korean stars na hindi nagpunta si Rain at ang ibang cast ng Red Swan sa Pilipinas dahil kung nangyari ito, tiyak na mabilis na makararating sa kanilang kaalaman.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Imposibleng mailihim sa avid Filipino fans ng Korean celebrities ang pagbisita ni Rain sa ating bansa dahil walang tatalo sa kanilang matalas na pakiramdam kapag tungkol sa mga Korean celebrity ang isyu.

At hanggang ngayon, popular pa rin sa Pilipinas ang 42-year-old South Korean singer-actor.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kim Ha Neul and Rain star in the Disney+ K-drama series Red Swan, where part of the story's setting is in the Philippines.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results