PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mark Anthony Fernandez, pinuri sa magandang pangangatawan

Mark Anthony Fernandez, aminadong gumagamit ng plaster sa intimate scenes.
by Jojo Gabinete
Published Jul 24, 2024
mark anthony fernandez package deal
Mark Anthony Fernandez on his fit body: “Ang secret, kailangan meron kang gym set sa bahay para mas ganado ka. Saka isang malaking factor yung sina-shock yung body. Kunwari, tumigil ka ng ilang days, pagbalik mo isa-shock yung body. Tapos willpower talaga..."
PHOTO/S: @vivamaxph on Instagram

Ang magandang pangangatawan ni Mark Anthony Fernandez ang unang napansin ng mga dumalo sa media conference ng Vivamax movie na Package Deal noong Sabado, Hulyo 20, 2024.

Napangiti, natuwa, at nagpasalamat si Mark sa lahat ng mga bumati sa physically-fit body niya dahil nagbunga na ang kanyang regular na pag-eehersisyo.

Read: Mark Anthony Fernandez, "binasted" ng Vivamax star

“Ito po talaga yung weight ko. Nasanay lang po kayo sa weight ko noon dahil kalalabas ko lang po sa kulungan.

"Pero ito talaga yung ideal weight ko. Hindi ako mabubuhay na hindi ko weight dahil wala na akong dating,” sabi ni Mark.

mark anthony fernandez package deal
Photo/s: @vivamaxph on Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isang taon at tatlong buwan nakulong si Mark sa Pampanga Provincial Jail dahil sa marijuana possession.

Nakalaya ang aktor noong December 22, 2017.

Read: Mark Anthony Fernandez breaks silence on "fake news" that he impregnated two lady officers in jail

Ipinaliwanag ni Mark sa Cabinet Files, sa pamamagitan ng isang video, ang sikreto ng kanyang maganda at malusog na pangangatawan.

Lahad niya, “Ang secret, kailangan meron kang gym set sa bahay para mas ganado ka.

“Saka isang malaking factor yung sina-shock yung body. Kunwari, tumigil ka ng ilang days, pagbalik mo isa-shock yung body.

"Tapos willpower talaga. Saka siyempre, core group. Maganda yung club, yung sports club mo.”

MARK ANTHONY IN VIVAMAX MOVIES

Nag-umpisa ang showbiz career ni Mark noong dekada ’90 bilang isa sa mga miyembro ng Guwapings, ang grupo nila nina Jomari Yllana at Eric Fructuoso.

mark anthony fernandez guwapings
Mark Anthony Fernandez during his Guwapings days
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa tatlong Guwapings, si Mark na lamang ang nagbibida at pinakaaktibo sa paggawa ng mga pelikula sa Vivamax.

Read: Mark Anthony Fernandez, sobrang happy sa rave reviews ng Guwapings reunion movie

Ang Scorpio Nights 3 ang pinakamapangahas na proyekto ni Mark dahil pumayag itong magkaroon ng frontal nudity scene.

Naging kontrobersiyal at pahulaan ito dahil may mga nagdudang gumamit siya ng prosthetic penis.

Walang itinanggi at hindi kinumpirma ni Mark ang mga hinala tungkol sa kanyang pinag-usapang eksena sa Scorpio Nights 3.

Read: Mark Anthony Fernandez, tunay o peke ang ipinakita sa frontal nudity sa Scorpio Nights 3?

Pero sinabi niya sa media conference ng Package Deal na gumagamit siya ng plaster sa mga intimate scene.

Nang magtanong ang isang entertainment reporter kung papayagan niya ang kanyang anak, ang aktor na si Grae Fernandez, na mag-subscribe sa Vivamax, “Oo naman,” ang walang kagatul-gatol na sagot ni Mark.

Paliwanag ng aktor, “Kahit porn yan, okay lang. I mean, sa akin okay lang.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"At least, alam mo yung source, yung paroroonan.

“Ito nga [Package Deal], ina-allude namin para when it comes to fight night, kung nakakadalawa ka, isa o lima sa isang gabi, another channel [Vivamax] lang siya kumbaga.

Yung iba nga, para lib*g*n, umiinom pa. So, another route siya [Vivamax], another Viagra kumbaga.”

Mapapanood ang Package Deal sa Vivamax simula sa Agosto 9.

Read: Mark Anthony, feeling nadaya kaya wala pang acting award

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mark Anthony Fernandez on his fit body: “Ang secret, kailangan meron kang gym set sa bahay para mas ganado ka. Saka isang malaking factor yung sina-shock yung body. Kunwari, tumigil ka ng ilang days, pagbalik mo isa-shock yung body. Tapos willpower talaga..."
PHOTO/S: @vivamaxph on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results