PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mark Anthony Fernandez, "binasted" ng Vivamax star

Mark Anthony Fernandez, gustong totohanin ang love scene nila ni Mariane Saint.
by Jojo Gabinete
Published Jul 23, 2024
mark anthony fernandez mariane saint package deal
Mark Anthony Fernandez on Package Deal co-star Mariane Saint: “Hiningi ko yung number niya. Sabi niya, hindi puwede. So, feeling ko, nabasted ako.”
PHOTO/S: @vivamaxph on Instagram

Ang pharmacist-turned-Vivamax star na si Mariane Saint ang kapareha ni Mark Anthony Fernandez sa Vivamax movie na Package Deal.

Sa harap ni Mariane, tahasang sinabi ni Mark na niligawan niya ang sexy star mula sa Davao pero "binasted" siya.

Read: Mark Anthony Fernandez, feeling nadaya kaya wala pang acting award

“Hiningi ko yung number niya. Sabi niya, hindi puwede. So, feeling ko, nabasted ako,” kuwento ni Mark.

Nagustuhan daw nang husto ng aktor ang lead star ng kanilang pelikula.

“Kay Mariane, tinablan ako. Crush ko siya.

"Binasted niya ako.

"Pero usapan namin, sakaling sumikat siya nang todo-todo, ako ang magiging leading man niya.

“Kahit binasted niya ako, tuwing nasa set kami, nakakalimutan lahat yon.

"Ang naiisip lang namin, yung mga eksena namin."

mark mariane packahe deal
Package Deal director Carby Salvador (left) with lead stars Mariane Saint and Mark Anthony Fernandez
Photo/s: @vivamaxph on Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

MARK ANThony FERNANDEZ ON LOVE SCENES WITH MARIANE SAINT

Kinumpirma naman ito ni Mariane sa naganap na media conference ng Package Deal.

“Nagtanong lang naman po siya na puwede ba akong ligawan. Pero sabi ko po, 'No!'” reaksiyon ni Mariane sa narinig nitong lahad ni Mark.

“As much as possible, gusto ko lang maging professional po. Kasi siyempre, co-actor ko po siya.

"Siguro po, nadala lang si Sir Mark kasi package deal nga kami sa kuwento ng pelikula."

May sariling isyu si Mariane sa kanyang ama na malaki ang tampo dahil hindi nito tanggap ang desisyon niyang maging Vivamax star.

Hindi natapos sa naudlot na panliligaw niya kay Marian ang kuwento ni Mark dahil mas kontrobersiyal ang kanyang sumunod na pahayag.

Ibinahagi ni Mark na, minsan, naisip niyang totohanin ang love scene nila ng kanyang kaparehang sexy star dahil nagkagustuhan sila.

“One time, sobrang nagkagustuhan kami ng co-actress ko. 'Totohanin na kaya natin ito?'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sabi ko kay Direk, 'Gawin na kaya natin?' Siyempre, lalaki ka, may ganoong subconscious.

“Sabi ni Direk, ‘Huwag. Aktingan lang ito. Baka magalit ang mga boss natin.’

“Given the chance, nung panahon na yon? Game na ako. Patawid na ako sa…" kuwento ni Mark.

Pero nang makita nitong naniniwala na ang entertainment press sa kanyang kuwento, prumeno siya at sinabing, “Akting ko lang yon.”

Kahit sinabi ni Mark na “prank” lamang ang kanyang isiniwalat, kumbinsido ang mga kausap niyang may bahid ng katotohanan ang kuwento pero nagbiro lamang siya dahil naging seryoso na ang talakayan.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mark Anthony Fernandez on Package Deal co-star Mariane Saint: “Hiningi ko yung number niya. Sabi niya, hindi puwede. So, feeling ko, nabasted ako.”
PHOTO/S: @vivamaxph on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results