PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bayani Agbayani, creator ng title ng sitcom ng Muhlach family

Bayani Agbayani, creative consultant din ng sitcom ng Muhlach family.
by Jojo Gabinete
Published Jul 22, 2024
Bayani Agbayani and Aga Muhlach reunite at TV5 sitcom Da Pers Family
Bayani Agbayani (left) co-stars with Aga Muhlach (right) in the new TV5 sitcom Da Pers Family. Aside from being one of the cast members, Bayani also serves as a creative consultant of the show.
PHOTO/S: Bayani Agbayani Facebook / Micah Moleno for PEP

Si Bayani Agbayani ang nakaisip ng pamagat na Da Pers Family para sa sitcom ng pamilya ni Aga Muhlach na napanood sa TV5 simula nitong Linggo ng gabi, 7:15 P.M., Hulyo 21, 2024.

Ikinuwento ni Bayani na si Aga ang tumawag sa kanya sa telepono at inimbitahan siyang maging bahagi ng sitcom.

Si Aga rin ang nagsabi sa kanyang mag-isip ng pamagat na babagay sa sitcom na pinangungunahan din ng mag-iinang Charlene Gonzalez, Andres at Atasha Muhlach.

Read: Muhlach family, bibida sa TV5 sitcom na Da Pers Family

muhlach family da pers family
Muhlach family: (from left) Aga, Charlene, Andres, and Atasha
Photo/s: @viva_tv on Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lahad ni Bayani: “Tinawagan ako ni Aga. Sabi niya, ‘Umisip ka ng title.’

“Alam ninyo, nagdasal po talaga ako sa Panginoong Diyos, kasi lahat ng ibinibigay ko sa kanyang title, ang sinasabi lang niya ‘Ganda!’ pero alam mong pangit.

“Tapos nung naisip ko yung Da Pers Family, sabi niya, ‘Gusto ko yan.’

“Sabi ko, thank you Lord. Naisip ko naman, kaya Da Pers Family, ang gusto niyang pangalan, Aga tapos Muhlach yung apelyido.

“Sabi ko, 'Pers na lang ang apelyido ninyo para Pers Family.'”

BAYANI AGBAYANI AS CREATIVE CONSULTANT

Bukod sa naisip niyang pamagat ng sitcom, si Bayani ay bahagi ng Da Pers Family bilang aktor at creative consultant ng programa.

Bago naging artista si Bayani, nagtrabaho siya sa GMA-7. Dito nahasa ang kanyang kakayahan bilang production assistant, assistant writer, at writer ng mga TV show.

“First time kong maging creative consultant ng isang sitcom kasi galing ako sa production,” pagbabahagi ni Bayani.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Galing ako as production assistant, assistant writer, writer.

“Ngayon, ang iniisip kong magiging fallback ko kung sakaling mawala ako sa harap ng kamera, production pa rin.

"At dito sa Da Pers Family, pinayagan nila akong maging creative consultant.

“Kahit na papaano, during the taping, puwede na akong makapag-contribute na hindi na ako mahihiya.

"Before kasi, ginagawa ko na po yon kaya lang nakakahiya. Wala ako sa posisyon para gawin yon.

“Ngayon, may leeway na, may lisensiya na para gawin yon. At palagay ko naman, marami akong maitutulong sa aming headwriter at direktor.”

Read: Bayani Agbayani, tinawag na "future superstars" sina Andres at Atasha Muhlach

DIREK DANNI CAPARAS

Ang veteran sitcom director na si Danni Caparas ang direktor ng Da Pers Family.

Ipinagmamalaki ni Bayani ang husay ni Direk Danni, na ipinagpaliban ang planong paninirahan sa ibang bansa dahil hindi niya natanggihan ang alok maging direktor ng sitcom ng Muhlach family sa TV5.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Saad ni Bayani, "Yung direktor namin, si Direk Danni Caparas, isa sa pinakamagaling na direktor at ng noontime show. Ipinagmamalaki ko po yan.

“Nung panahon ng Magandang Tanghali Bayan, kaya po kami nagre-rate noon, si Direk Danni ang nagsimula.

"Nagkaroon po kami ng mataas na ratings dahil sa kanya. Siya po yon.

"Walang ibang puwedeng umangkin [sa success] ng Magandang Tanghali Bayan, si Direk Danni po.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bayani Agbayani (left) co-stars with Aga Muhlach (right) in the new TV5 sitcom Da Pers Family. Aside from being one of the cast members, Bayani also serves as a creative consultant of the show.
PHOTO/S: Bayani Agbayani Facebook / Micah Moleno for PEP
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results