PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bong Revilla, inanunsiyo ang Season 3 ng Walang Matigas Na Pulis

Co-star ni Bong Revilla, posibleng lumipat ng network.
by Jojo Gabinete
Published Jul 21, 2024
Sen. Bong Revilla and wife Cavite Second District Representative Lani Mercado at the GMA Gala 2024
Senator Bong Revilla (in photo, with wife Lani Mercado) on new artists of GMA Network: “Parami nang parami yung mga young blood na pumapasok ngayon sa GMA, and I’m so happy to see them. At nakikita natin na pa-improve nang pa-improve yung mga lineup ng GMA artists kaya malaking bagay ito.”
PHOTO/S: Pau Gueverra

Inanunsiyo ni Senator Bong Revilla na magkakaroon ng Season 3 ang Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis, ang action-comedy series niya sa GMA-7.

Tiyak daw na mapapanood ito simula sa Disyembre 2024.

“Looking forward sa third season natin so abangan ninyo yan this coming December hanggang February [2024] dahil sa election ban,” sabi ni Bong sa panayam sa kanya sa red carpet ng GMA Gala 2013 na naganap sa Manila Marriott Hotel, Pasay City, noong Sabado, Hulyo 20, 2024.

Pansamantalang nahinto ang pelikulang ginagawa ni Bong dahil sumailalim siya sa operasyon nang mapunit ang kanyang Achilles tendon noong Abril 2024.

Sa tulong ng baston, nakakalakad na si Bong. Pero tiniyak niyang magiging normal na ang kanyang paglalakad, tatlong buwan mula ngayon, kaya puwede na siyang mag-taping para sa Season 3 ng Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis.

Kasama ni Bong sa GMA Gala ang kanyang misis, si Cavite Second District House Representative Lani Mercado, na suportadong-suportado ang Season 3 ng TV program ng asawa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I was his original partner in the movie version [1994] of Walang Matigas,” reaksiyon ni Lani.

"Walang problema [sa pagbabalik-telebisyon]. Ang importante, we’re entertaining the people and maraming nanonood ng Walang Matigas Na Pulis.

"At abangan nila po yan dahil I’m sure kung naibigan nila ang Season 2, what more ang Season 3.”

NETWORK TRANSFER

Gaya ng sinabi ni Bong, mapapanood lamang mula Disyembre 2024 hanggang Pebrero 2025 ang Season 3 ng Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis dahil kakandidato siya muli bilang senador sa susunod na taon.

Pero posibleng hindi na niya makakasama sa Season 3 ng programa ang isa sa mga cast member dahil sa plano nitong lumipat sa ibang TV network.

Posibleng hindi pa alam ni Bong ang career move na gagawin ng kanyang co-star, na nagparamdam na sa mga executive ng network na lilipatan.

Pero puwedeng magkasama pa rin sila sa Season 3 ng sitcom kung sakaling magdesisyon ang tinutukoy na artista na huwag nang ituloy ang binabalak na paglipat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

KAPUSO YOUNG BLOOD

Samantala, nagsalita rin si Bong tungkol sa mga bagong contract star ng Kapuso Network na dumalo rin sa GMA Gala.

"Parami nang parami yung mga young blood na pumapasok ngayon sa GMA, and I’m so happy to see them.

"At nakikita natin na pa-improve nang pa-improve yung mga lineup ng GMA artists kaya malaking bagay ito,” pahayag ni Bong.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Senator Bong Revilla (in photo, with wife Lani Mercado) on new artists of GMA Network: “Parami nang parami yung mga young blood na pumapasok ngayon sa GMA, and I’m so happy to see them. At nakikita natin na pa-improve nang pa-improve yung mga lineup ng GMA artists kaya malaking bagay ito.”
PHOTO/S: Pau Gueverra
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results