PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rabiya Mateo, ramdam na malapit nang makita ang biological father

Rabiya Mateo, natunton na ang lokasyon ng kanyang biological father.
by Jojo Gabinete
Published Jul 19, 2024
abiya mateo biological father
Rabiya Mateo: “Three months ago, somebody messaged me na, ‘This is your dad.’ And medyo maganda ang kutob ko because the year of his birth, tugma. Hindi ko alam kung paano nalaman ng sender ang Gmail ko. But I have a good feeling about this one." (Right photo) Rabiya with her biological Indian father, Mohammed Hashmi, when she ws still a baby.
PHOTO/S: @rabiyamateo on Instagram

Malakas ang kutob ni Rabiya Mateo na malapit na silang magkita ng kanyang biological Indian father, na 57 years old na ngayon sa pagkakaalam niya.

Ito ay matapos niyang mapag-alaman ang lokasyon kung saan ito nakatira ngayon — sa U.S.

Read: Rabiya Mateo on plan to look for long-lost father in the U.S.: "Kung magagalit ako sa tatay ko, ako lang din po yung matatalo."

Tinanong ng Cabinet Files si Rabiya kung paano niya nalamang naninirahan sa Amerika ang kanyang estranged father.

Kuwento ng former Miss Universe Philippines titleholder: “Three months ago, somebody messaged me na, ‘This is your dad.’ And medyo maganda ang kutob ko because the year of his birth, tugma.

“Hindi ko alam kung paano nalaman ng sender ang Gmail ko. But I have a good feeling about this one.

“According sa details, my dad, may isa na raw anak na lalaki. Nandito siya sa isang specific address, meron din contact number.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I called that number, may sumagot na Indian na babae. So I said, ‘I was looking for my dad, Mohammed Hashmi.’ Pero sabi nung babae, hindi raw niya kilala.

“Let’s see. Malalaman ko lang yon if pupuntahan ko talaga yung address.”

Rabiya Mateo and her long-lost dad
Rabiya Mateo and her long-lost father.
Photo/s: @rabiyamateo Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

MUCH-AWAITED REUNION

Dito na sinabi ni Rabiya na malakas ang pakiramdam niyang malapit na silang magkita ng ama na umabandona sa kanya noong limang taong gulang pa lamang ang beauty queen-actress.

Aniya, “Alam ito ni Kuya Kim [Atienza]. Alam ito ng close friends ko.

"Si Kuya Kim, sabi niya tutulungan niya ako kasi marami siyang connections sa U.S. that can do a background check kung totoo ba yung information.

“I’m hopeful na sana ma-meet ko na yung dad ko. I’ve been praying for the day na magkikita kami at sana mayakap ko siya.

“Kung anuman ang hindi magandang nangyari sa buhay ko, kalilimutan ko lahat yon.

"At sana may time pa kami to reconcile para magampanan ko din ang mga responsibility ko sa kanya bilang anak,” puno ng pag-asa at pangungulila sa kanyang ama.

Read: Rabiya Mateo, maraming natutunan matapos maging biktima ng investment scam

Bahagyang napaisip si Rabiya nang itanong ng Cabinet Files kung paano makatutulong ang pagiging LVNA CEO sa paghahanap niya sa kanyang biological father.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Paano ba? Napaisip din ako, ah,” reaksiyon ni Rabiya sa tanong ng Cabine Files.

“It was out of the blue, pero siguro dahil CEO na ako, marami na akong pera para hanapin yung dad ko.

“And of course, he’s in the States. I need to have funds, I need to have plane tickets… Hindi madaling maghanap ng taong ayaw magpahanap.

“But overall, kung mahahanap ko man siya o hindi, at least, bilang isang anak, naibigay ko yung mga pangangailangan ng nanay ko at siguro, yun na rin ang fulfillment ko bilang tao.

“Pero I’m still praying and I’m still hoping to look for my dad. Kapag nagkita kami, bibigyan ko siya ng singsing.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rabiya Mateo: “Three months ago, somebody messaged me na, ‘This is your dad.’ And medyo maganda ang kutob ko because the year of his birth, tugma. Hindi ko alam kung paano nalaman ng sender ang Gmail ko. But I have a good feeling about this one." (Right photo) Rabiya with her biological Indian father, Mohammed Hashmi, when she ws still a baby.
PHOTO/S: @rabiyamateo on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results