Naging biktima ng investment scam ang aktres at dating beauty queen na si Rabiya Mateo.
Malaking halaga ng pera ang natangay sa kanya ng isang taong pinagkatiwalaan niya at itinuring na kaibigan.
Maikukumpara sa isang masamang bangungot ang karanasan ni Rabiya, na umaming iniyakan niya nang sobra ang pangyayari.
Read: Rabiya Mateo unaffected by comments about her looks
Pagbabahagi ng Miss Universe Philippines 2020, “Malala po yung trauma ko because yung mga pinagkatiwalaan ko are friends.
"I know them personally, I talked to them. They know my struggles.
“Alam nila yung mga hirap ko sa ilang teleserye. Ilang iyak yon, yung perang iniabot ko sa kanila.
“But then, that’s life. It taught me to be more careful na kapag too good to be true, kapag medyo questionable yung opportunities tapos mabilis, madali ang kita], learn to say no.
“It was a bad experience dahil wala talagang kasiguraduhan.
"First, we have contracts during that time, pero the interest, it was so high. Magbibigay ka lang ng pera, may babalik sa yo na interes per month."
Dagdag ni Rabiya, “Nakikita ko siya sa TV na maraming ganoong kalakaran, marami ang nai-scam. And I never imagined that it’s gonna happen to me, but it did.
“Wala silang pinipiling tao, kahit public figure ka man, lalo na siguro sa mga ordinaryong mamamayan, kaya we need to be smart with our money.
“It was a heartbreaking moment, but it was a great learning experience.”
Kahit puwedeng-puwedeng magsampa si Rabiya ng kaso laban sa kanyang mga kaibigan na niloko siya, pinili niyang ipagpasa-Diyos ang lahat.
Read: PEP BEST BETS 2024: Reinventions
NEW BUSINESS OPPORTUNITY
At isang himala na nagkaroon agad ng magandang kapalit ang pangit na karanasan ni Rabiya nang kausapin siya ni Drake Dustin Ibay para sa isang malaking oportunidad na mahirap tanggihan.
Si Ibay ang founder at Chief Operating Officer ng LVNA Jewelry by Drake Dustin.
Siya ang nag-alok kay Rabiya para maging chief executive officer (CEO) ng LVNA branch sa Cavite na bahagi at umpisa ng kanilang business expansion.

Saad ni Rabiya, “I was grateful kasi parang na-mention ko lang kay Drake na I wanted to do business na.
“Now, they gave me the title of being the CEO of our Cavite branch. I’m very grateful for these opportunities, but still, I’m in the learning process.
“Technically, this is my first business talaga. Good thing, Dane [Ibay, president of LVNA] and Drake are there to guide me with the statistics, with the numbers.
“Maraming ipinadala sa akin si Drake na syllabus, sinabi niya sa akin ang mga business proposal.
"Still, marami pa rin kaming pending meetings na kailangan gawin kasi ngayon pa lang nila talaga in-announce sa akin na they trusted me with the position and title.
“But yung maiko-contribute ko now is to expand the market with the influence that I have.
"Yung background ko bilang public figure, I have the following sa social media, which is makakatulong talaga sa LVNA para mas marami kaming ma-reach na mga tao.”
Read: Rabiya Mateo, umalis na sa TiktoClock matapos mapaso ang kontrata