Ipinagluluksa ni Manny Pacquiao ang pagpanaw ng seasoned sports journalist na si Chino Trinidad.
Bagama't palangiti, si Chino ay may angking tapang bilang dyornalista. Mas madalas sa hindi, sasabihin nito ang iniisip niya, kahit na nakakasalamuha pa niya ang mga personalidad na kanyang isinusulat.
Kahit tumanyag at nagkapangalan sa labas ng malaking pangalan ng amang si Recah Trinidad—isang veteran journalist na naging founding editor ng Tempo ng Manila Bulletin group, kolumnista ng ilang dekada ng Philippine Daily Inquirer, at awtor ng mga libro—hindi nawala kay Chino ang raw passion para sa propesyon.
Igigiit nito ang kanyang paniwala, popular man o hindi sa marami, dahil ang magpakatotoo ang nalalaman niyang role ng isang media practitioner.
Kaya marami sa kapwa niya sports journalists ang natutuwa sa pagkatao niya, at binibiro nga siyang "mapusok," sa panahong ang pagiging mapusok ay hindi madali dahil may kakabit na risks.
Binawian ng buhay si Chino noong Sabado, Hulyo 13, 2024, sa edad na 56.
Read:Sports journalist Chino Trinidad passes away at 56
MANNY PACQUIAO ON CHINO: "TRUE PATRIOT"
Sa pamamagitan ng isang Facebook post, isiniwalat ni Pacquiao ang kalungkutang nararamdaman dahil sa pagkawala ng kanyang kaibigan.
Hanga ang Pambansang Kamao sa dedikasyon ni Chino sa sports.
"Deeply saddened by the loss of my friend, Chino Trinidad. Chino was more than a great journalist; he was a true patriot who loved Philippine sports with all his heart.
"His honesty and dedication inspired many. Thank you, Chino, for everything. Rest in peace,” ang mensahe ng pamamaalam ni Pacquiao.
ARNOLD CLAVIO TO CHINO: "ENJOY YOUR JOURNEY."
Dalawampu’t tatlong taon na naglingkod si Trinidad bilang sportscaster ng GMA-7, at kabilang ang kanyang dating kasamahan sa Kapuso Network na si Arnold Clavio sa mga nagkuwento tungkol sa huling pagkakataong nag-usap sila.

"Kinumusta mo pa ako noong June 15, ilang araw matapos ako ay nagkaroon ng hemorrhagic stroke.
"Rest in peace bro. Enjoy your journey.
"Paki-kumusta mo na rin kami kay Ama, Mike Enriquez. Paalam," saad ng social media post ni Arnold, na saksi sa magandang relasyon ni Chino at ng pumanaw na broadcast journalist na si Mike Enriquez (photo below, right).


Read: Arnold Clavio recovering from hemorrhagic stroke
MORE MESSAGES FROM FRIENDS
Si Mike ang nagpasok kay Chino sa GMA-7 noong 2000.
Nagkasama sila sa DZBB, pati na rin ang host na si Eagle Riggs.
May kuwento ang huli tungkol sa programa nila. Narito ang kanyang latest Facebook post (published as is):
"First it was Mike Enriquez. And now its Manolo Chino Trinidad !
"The three of us were together at Super Radyo DZBB's daily morning news radio broadcast entitled SAKSI SA DOBOL B where Sir Mike is our main anchor while Chino Trinidad does the 'Sports Saksi' and I do the 'Showbiz Saksi.'
"Our trio dominated the morning radio ratings for quite sometime.
"Magkasama na ngayon sina Papa Mike at Chino na magbo broadcast sa ere, sa langit na this time sa piling ng Dios. I miss you both.
"Ang bagsik ng trio natin sa radyo. Thank you for the great chance to have worked with you both masters in your craft. You will always be remembered! Rest in Peace mga ka Saksi sa Dobol B."

Si Connie Sison naman ay nakatrabaho ni Chino sa ilang coverage ng boxing fights ni Manny.
Ang mensahe ng news anchor sa Facebook (published as is): "You will be sorely missed my friend. I will always treasure our Pacquiao coverages abroad. Rest in our heavenly Father’s arms. Goodbye for now, Chino…Manolo Chino Trinidad"

Marami ang ginulat ng balita ng pagpanaw ni Trinidad, lalo na ang kanyang malapit na kaibigan, ang entertainment journalist na si Ambet Nabus.
Hindi makapaniwala si Ambet na wala na si Chino dahil health buff daw ito.
Diumano, si Trinidad ang madalas na nagpapaalaala sa kanya na alagaan niya ang kalusugan at katawan.
Noong gabing inatake sa puso si Chino, papunta siya sa Resorts World Manila dahil may meeting sila ng billiard icon na si Efren "Bata" Reyes.
Before this, dumaraing na umano ito ng pananakit ng dibdib at likod.
Pumanaw si Trinidad sampung araw bago sumapit ang kanyang ika-57 na kaarawan sa Hulyo 23, 2024.