Para kay Barbie Forteza, mas mahirap ang karakter na ginagampanan niya sa Pulang Araw kung ikukumpara sa papel niyang Klay sa top-rated primetime series ng GMA-7 noong nakaraang taon, ang Maria Clara at Ibarra.
Read: "Noli yarn?" How GMA-7's hit teleserye Maria Clara at Ibarra came about
Sinabi ni Barbie sa Cabinet Files na hindi naging madali ang taping niya para sa Pulang Araw.
Bukod sa kinukunan sa malalayong lugar ang mga eksena nila, tulad sa mga lalawigan ng Quezon at Pampanga, nag-aral pa siyang magsayaw para sa vaudeville scenes nila nina Sanya Lopez at Epy Quizon.
Mapapanood ang Pulang Araw sa GMA-7 simula sa Hulyo 29, 2024.
Ito ang pangatlong pagkakataong nagbida sa isang teleserye ng Kapuso Network ang BarDa, ang loveteam nina Barbie at David Licauco.

BARBIE FORTEZA ON DAVID LICAUCO'S TARDINESS
Malaki at positibo ang impluwensiya ni Barbie kay David dahil sa mga natutunan ng aktor mula nang mabuo at sumikat ang kanilang loveteam.
Read: Barbie Forteza on advantages, disadvantages of BarDa tandem
Si Barbie ang bisita sa Fast Talk with Boy Abunda noong nakaraang Biyernes, Hulyo 5.
Nang sabihin sa kanyang ilarawan ang uri ng pagkakaibigan nila ni David, naging matapat at hindi nagpaliguy-ligoy sa pagsasalita ang aktres.
“The friendship that I’ve built, I always say I built, kasi nga hindi naman siya right away nag-click kami agad.
“I mean, lagi ko naman inaamin sa lahat na, at first, hindi ako okay with him kasi lagi siyang late,” lahad ni Barbie.
Natawa si Barbie nang itanong ni Boy Abunda kung nagamot na ang "tardiness" ng kapareha niya sa Pulang Araw.
“From time to time. Kanina, late siya ulit.
"From time to time, kapag nasa mood siya. Hindi na po kasing lala [noon],” napahagikhik na sabi ni Barbie.
Pagpapatuloy ni Barbie, "Yung friendship na nabuo ko with David is very, masasabi ko na slowly but surely.
"Yung talagang dinahan-dahan namin na kasi nga naman, very surprising, very unexpected yung loveteam namin na naging, thankfully, successful.
"So, biglang agad-agad, every day na kaming magkasama. Every day na kaming magkatrabaho.
"Every day, nakakakilig na yung mga eksena namin, yung mga ginagawa namin.
“So for two people na hindi naman close, ni hindi nag-uusap, biglang ganoon, mahirap ho yon.
“Tapos, magkaiba pa kayo ng work ethics, magkaiba kayo ng routine sa trabaho.
"So, mahirap siya talaga kasi magkaibang-magkaiba po kami ni David.”

UNDERSTANDING DAVID
Pero unti-unting naunawaan at tinanggap ni Barbie ang ugali ni David na umpisa ng pagiging komportable nila sa isa’t isa.
Saad niya, “So, nung na-reach ko yung point na alam ko na kung papaano siya magtrabaho, and I somehow accepted him na lang that way.
"And nakikita ko naman din yung effort niya para baguhin yung bad habits niya for me and for the rest of the production, mas naging komportable ako to work with him.
“Mas naging parang collaborative ako. Mas naging madali sa akin to talk to him when it comes to doing our scenes.
"Kunyari, kapag mall shows or like kailangan namin na siyempre ipakita sa mga tao na loveteam kami, mas madali na, kasi bukal na sa loob ko.
“Naka-routine siya. Dati kasi, work na work, e.
"Ngayon, mas bukal sa loob ko na, 'Okay, tara, collaborate tayo.'”
Sa pagkakatanda ni Barbie, kinausap niya si David tungkol sa ugali nito na lalong nagpatibay sa kanilang samahan bilang loveteam at magkaibigan.
“Saka hindi ko po maaalala if I got to tell him this. Pero sabi ko, ‘I totally understand na successful ka sa mga business mo and all that, pero it’s not every day someone like you gets to be blessed this much.
"'So I hope you don’t take this for granted and to just set this aside and, like, sige puwede akong ma-late sa taping kasi mas importante yung business ko.’
“Dapat hindi ganoon ang mindset. I mean, magbe-benefit din naman kasi yung business niya,” pahayag ni Barbie.