Ang How to Slay a Nepo Baby ang unang proyekto ni Naia Ching bilang aktor.
Ginawa niya ang pelikula bago pa siya sumali sa Century Tuna Superbods 2024, ang fitness at modelling competition na naganap sa Marriott Hotel, Pasay City, noong Hulyo 9, 2024.
Top 8 finisher sa Century Tuna Superbods 2024 si Naia.
Read: Marian Rivera, natawa sa pagti-trend ng kanyang judging stint

WHERE DID THE NAME NAIA COME FROM?
Nang tanungin ng Cabinet Files ang kakaiba niyang pangalan, ikinuwento ng newbie actor na ipinangalan siya sa acronym ng Ninoy Aquino International Airport o NAIA.
“It’s Naia talaga, pero it’s pronounced as Na-ya,” pag-amin ni Naia, na isinilang noong Oktubre 2, 1995.
Sinabi ni Naia na habang lumalaki siya, lalong nadagdagan ang mga nagtatanong tungkol sa kanyang unique na pangalan. Kaya paulit-ulit lamang ang mga paliwanag niya, lalo na sa tuwing pumupunta siya sa mga check-in counter ng NAIA.
Lahad niya, “Actually, every time na tinatanong ako, I have to say na, 'Hindi po ako sa airport ipinanganak.'
“Isa pa rin po yon, sabi nila [sa check-in counters], kung dito po ba ako ipinanganak?”
Pabor ba siyang ibalik sa dating pangalan na Manila International Airport o MIA ang NAIA?
Read: Malacañang has response to House Bill seeking to rename NAIA to MIA
“For me okay lang naman as long as mas better,” sagot ni Naia, na tanggap na tanggap na unique ang kanyang pangalan.
CORNERSTONE TALENT
Si Naia ay contract star ng Cornerstone Entertainment.
Natupad ang kanyang matagal nang pangarap pumasok sa showbiz nang sumali siya sa acting workshop ni Rod Marmol, ang direktor ng How to Slay A Nepo Baby.
Read: Oliver Moeller reveals declining offer to enter showbiz 12 years ago
“I’m with Cornerstone and I had the opportunity to have a workshop with Direk Red Marmol, which I’m very grateful kasi siguro nakita niya ako na may potensiyal.
“Ito po talaga yung pinaka-first movie ko.
"I am trying my best to stay in the business kasi growing up, ito po yung one of my dreams, so hopefully magtuluy-tuloy.
“Bata pa lang ako mahilig na ako sa movies so I really want to pursue acting.
"I’m very blessed I was given the chance to work here. It’s never too late,” pagpapakilala ni Naia sa sarili.
Sa edad na 28, naniniwala si Naia na hindi pa huli ang pagpasok niya sa entertainment industry.
Ipalalabas ang How To Slay A Nepo Baby sa mga sinehan simula sa Hulyo 31, 2024.
Read: Barbie Imperial, kabadong matanong tungkol sa lovelife