Child abuse o paglabag sa Republic Act No. 7610 (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act) ang kasong isinampa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) laban kay Willie Revillame noong Abril 27, 2011.
Ito dahil sa paratang na pinagsayaw niya ng “macho dancing” ang six-year-old noong si Jan-jan Suan kahit labag sa kalooban nito sa isang segment ng kanyang dating programa sa TV5, ang Willing Willie, noong Marso 12, 2011.
Labintatlong taon na ang nakararaan buhat nang mangyari ang insidenteng pinag-usapan at naging national issue noon dahil sikat at kontrobersiyal na TV host ang sangkot.
Read: PEP SPECIAL REPORT (Part 1): Willing Willie faces toughest test with Jan-Jan controversy
WHAT HAPPENED TO JAN-JAN SUAN?
Wala nang nalaman ang publiko tungkol sa nangyari kay Suan.
Pero muling naungkat ang isyu sa seryosong usapan at panayam kay Willie ng TV5 broadcast journalists na sina Ed Lingao, Lourd de Veyra, Gretchen Ho, at Patrick Paez sa Journos.

Sa kauna-unahang pagkakataon, isiniwalat ni Willie sa publiko ang pagtulong na ginawa niya para magkaroon ng magandang kinabukasan si Jan-jan, na labing-siyam na taon na sa kasalukuyan.
“Talagang napagkaisahan at nademanda pa, pero hindi ko pinabayaan yung Jan-jan,” umpisa ng rebelasyon ni Willie.
“In fact, binigyan ko ng bahay yon, pinag-aral ko, binigyan ko ng puhunan. Pero yon, hindi ninyo alam yon for the past how many years.
“If you can interview him, puwede ninyo siyang puntahan.”
Sinabi rin ni Willie na wala siyang kinalaman na sasayaw si Jan-jan, at mapatutunayan ito sa lumang video clips ng eksenang pinag-usapan ng sambayanang Pilipino.
“Gusto ninyong malaman ang katotohanan?” sabi ni Willie sa kanyang mga kausap na TV5 journos.
“Hindi ko alam na magsasayaw yung bata nang ganoon. Inilihim sa akin. In fact, if you see the video, ang tanong ko, 'Ano ang kakantahin mo?'
“Sabi niya, ‘Hindi po ako kakanta. Sasayaw po ako.’
“So, I am innocent. So, nung sumayaw na, siyempre hindi ko na makontrol dahil nag-e-enjoy na yung tao.
"Saka hindi ko naisip. Nangyari na yon, e.”
IS WILLIE RUNNING FOR SENATOR IN 2025?
Nang mapag-usapan ang balitang kakandidato siya sa eleksyon sa 2025, itinuwid ni Willie ang mga espekulasyong walang katotohanan.
Handa na siyang "tumulong" at hindi "handa nang pumasok" sa pulitika ang kanyang deklarasyon sa isang pagtitipon sa Davao City noong Enero 2024.
Read: Willie Revillame handa nang tumakbong senador
“Sa nangyayari ngayon, paano ka papasok?” reaksiyon ni Willie, na hindi nawawala ang pangalan sa mga senatorial survey.
“Ang hirap, awayan nang awayan. I will be honest, nanonood ako ng senate hearings. Inilalagay ko ang sarili ko, 'What if andiyan ako. Ano ang magagawa ko?'
“Pero kapag nakikita ko na nag-aaway at nakikita ko na parang walang unity, napu-frustrate ako.
"Ang sinasabi ko, kapag nagkakampanya, magkakasama tayong lahat. Kapag nagkakampanya puro pangako ang ginagawa natin sa mga tao.
"Pero kapag nakaposisyon ka na, nag-iiba na ang lahat. That is my opinion.
“Kasi ang pagserbisyo sa tao, hindi naman yung sa kampanya lang, it’s 24/7.
“Saka ano ba ang gusto ng mga nasa pulitika? They have the money and, of course, the power.
"Maraming may pera, walang power. Yun ang big difference para sa akin,” lahad ni Willie.
Read: Wil to Win, bagong title ng show ni Willie Revillame sa TV5
IS HE AN IDOL FOR THE YOUNG PEOPLE?
Nararapat ba siyang maging idolo ng mga kabataan?
Diretsahang sabi ni Willie: “Wala naman akong ginagawang masama. Hindi ako nangre-rape. Hindi ako nagda-drugs, hindi ako nagnanakaw.
"Sino ang dapat mong i-idolo?
“Hindi mo puwedeng puwersahin ang mga tao kung gusto ka nila o hindi. Sila lang ang puwedeng magsabi.
“Hindi ako puwedeng maging mabait para lang maging idolo ako ng kabataan.
“Dapat totoo ka. Hindi ka puwedeng hindi maging totoo sa kanila. Dapat lagi kang totoo sa sarili mo.”
Nagpaunlak si Willie na magpainterbyu sa apat na journo ng TV5 dahil simula sa darating na Linggo, July 14, 2024, mapapanood na sa TV5 ang kanyang bagong game at public service program, ang Will To Win.